1. Ang Kasaysayan ni Jesus Ang kasaysayan ni Jesus, Isulat sa puso ko; Ipahayag mong may lugod, Buhay ni JesuCristo. Umawit ang manga anghel Noong S’ya’y isinilang, “L’walhati sa Dios sa langit; Sa lupa’y kapayapa’n.” Ang kasaysayan ni Jesus, Sa puso ko’y isulat. Mahalagang kasaysayan, Ipahayag sa lahat. Sa ilang S’ya’y nagayuno; Nagtiis na magisa Dahil sa ’tin S’ya’y tinukso Nguni’t ’di nagkasala. Ihayag mo ang gawa N’ya, Hirap at kalungkutan; S’ya’y ’tinakwi’l at hinamak, Lubhang pinasakitan. Nang sa krus, S’ya’y ipinako, Nagtiis sa parusa. Ihayag ang kamatayan At pagkabuhay Niya. Nakita kong maliwanag, Wagas na pagibig N’ya; Dahil sa ’kin, S’ya’y nagdusa; Aking susundan Siya. 2. Si Jesus Lang ang Balita Si Jesus lang ang balita Na ating sasaysayin; S’ya’ng laging dadakilain At tanging pupurihin. O, si Jesus at S’ya lamang, Aawitan ng tanan. Tagapagligtas na tunay, S’ya’y makapangyarihan. Si Jesus ang Manliligtas – Pinasan, ating sala. Kat’wiran at kalakasan, Tayo’y binibigyan N’ya. Jesus, S’yang kapangyarihan Sa nagpapakumbaba; H’wag matakot ni manghina – Biyaya N’ya’y sagana. S’ya ang Pangino’n at Hari; Kalooban N’ya’y tupdin. Ipaglingkod at isuko, Ating puso’t layunin. tune→ Converse 3. Lalong Makilala si Cristo Nais kong makilala pa Si Cristo at biyaya N’ya; Pagibig N’ya’t kasakdalan, Sa ’king buhay ay mamasdan. Lalong makilala Ang pagliligtas N’ya At ang pagibig na lubos Ni Cristong sa ’ki’y tumubos. Nais kong maunawaan Ang banal N’yang kalooban; Diwa ng Dios ang guro ko, Tungkol kay Cristo ang turo. Ninanais ng puso ko, Pakikisama kay Cristo, At sa tinig N’ya’y makinig, Sa salita N’ya’y manalig. Nawa, ako’y laging handa Sa pagsalubong sa Kanya, At kasama N’yang magmana Ng manga gintong yaman N’ya. 4. Magsalita, O, Jesus Magsalita, O, Jesus, Sa kalumanayan; Ibulong Mo sa akin, “Hindi ka iiwan.” Buksan ang aking puso Nang makinig sa ’Yo; Diwa ko ay puspusin, Magagalak ako. Ngayon mahal na Cristo, Ika’y magsalita, “Mananaig kang lagi, Magiging malaya.” Kami’y Iyong akayin Sa banal Mong daan; Kami ay Iyong bigyan Ng ’Yong kagalakan. Inihahandog namin Sa Iyong dambana Ang aming puso’t buhay Hanggang makita Ka. Tulad noon, O, Jesus, Ngayon, magsalita; Ang pananagutan ko, ’Yong ipaunawa. Ika’y lul’walhatiin At pupurihin ko; Ako ay tatalima Sa buong buhay ko. 5. Ating Minamahal ang Da’n Ating minamahal ang da’n Na nilakaran ni Cristo. Naglalakbay tayo rito, Sa tahanan N’ya patungo. Kay Jesus ay natagpuan, Daan ng katotohanan. Sa Kanya’y h’wag humiwalay Habang tayo ay may buhay. Naririnig ang tinig N’ya; Sa Kanya’y nagpapaakay. Alam nating sa hantungan, May kapahingahang tunay. Dios natin ay mahabagin – Hinanap tayo sa dilim, Inakay tayo sa ilaw; S’ya ay ating pupurihin. Tayo’y hindi matatakot; Ang bisig N’ya ay malakas. Tayo’y Kanyang iingatan Na magtapat hanggang wakas. Copyright→ © composer→ James M. Black tune→ Truest Friend (altered) 6. Ako Kaya ang Dahilan? Ang mal’walhati N’yang trono, Iniwan ni JesuCristo. Ako kaya ang dahilan, Langit ay Kanyang nilisan? Oo, sa ’kin, dahil sa ’kin; Upang ako ay tubusin Ay inialay ni Cristo, Buong buhay sa Calvaryo. Ibinalita ng anghel, Narito na si Emmanuel. Ako kaya ang dahilan, S’ya’y ’sinilang sa sabsaban? Sa halamanang madilim, Si Jesus ay nanalangin. Ako kaya ang dahilan, Dusa’y Kanyang naranasan? Ipinako Siya sa krus; Ang dugo N’ya’y ibinuhos. Ako kaya ang dahilan Ng Kaniyang kamatayan? 7. Sa Paanan ni Jesus Taglay ang bagbag na puso Sa paanan ni Jesus, Salita N’ya’y dinirinig, Ang galak nati’y lubos. Aliw sa gitna ng subok, Tibay sa layong wasto, Puso nati’y pinupuspos Ng pagibig ni Cristo. Puso nati’y pinupuspos Ng pagibig ni Cristo. Kaylangan sa arawaraw, Sa paglakad sa daan, Si Jesus ay paglaanan Ng panaho’t pakinggan. May lakas sa pagbabaka, Napasigla ang puso, At nananatiling tapat, Magtatagumpay tayo. Sa pananatiling tapat, Magtatagumpay tayo. O, piliing tumalima Nang kalugdan N’ya tayo. Tayo’y pagkakalooban Ng Kanyang Espiritu. Tinig N’ya ay naririnig Habang S’ya ay kasama; May tunay na pagpapala Sa pakikisama N’ya. May tunay na pagpapala Sa pakikisama N’ya. Copyright→ © 8. Dalisay ang Salita Dalisay ang salita ng Pangino’n; Utos N’ya’y mahal sa akin – Tanglaw sa manga paa ko at landas Hanggang wakas ng lakbayin. Mahalaga kaysa pilak at ginto, At sa rubi ay higit pa, Ang maupo sa harap ng Pangino’n At makinig sa tinig N’ya. Kalooban ng Pangino’n, kay ganda, Kung sasangayon sa Kanya. Ang salita N’ya’y may buhay at diwa – Kay tamis sa ’king kalul’wa. Sa pakikinig at sa pagtalima, Ligtas ang aking kalul’wa. Anong sarap ng manga tuntunin N’ya; Pagpupuri ko’y sa Kanya. Nawa’y maging sakdal ang aking puso; Utos Mo ay kalugdan ko. Iyong ikiling, puso ng lingkod Mo Sa ’Yong manga patotoo. Copyright→ © 9. Nasumpungan Namin si Cristo! Kayo ngang nagsisigunita Kay Jesus at gawa N’ya, Halina’t makigalak sa ’min ’Pagka’t nasumpungan S’ya. Nasumpungan namin si Cristo! At ngayo’y nagagalak kami. S’ya ang balita ng manga propeta, Hari ng manga hari. Kayo ngang uhaw sa salita Na s’yang tubig ng buhay, Pumarito at makigalak Kayong nangaghihintay. Si Cristo na nangaral noon, Nananahan sa tao; Sa Kanyang kapakumbabaan Ay lumalapit sa ’yo. Ibalitang may kagalakan, “Natagpuan namin S’ya!” Hanggang sa silang humahanap, Magtamo ng pahinga. Copyright→ © 10. Pakinggan Ninyong Lahat Pakinggan ninyong lahat Ang tinig ni Cristo. Pinto ng pagasa’y bukas – Pumasok na kayo. Tumatawag S’ya – Pakinggan ninyo; S’ya ay ’di magluluwat – Sasarhan ang pinto. Sa may tubig na buhay, Siya’y naghihintay. S’ya’y kaybigan ninyong tunay, Ngayo’t habang buhay. Pagibig N’ya ay sapat; Pahinga’y lalagi. Ang buhay Niyang matapat, Sasa inyong lagi. Kayo’y patatawarin Sa kasalanan n’yo. S’ya’y namatay sa Calvaryo Nang dahil sa inyo. Copyright→ © tune→ Welcome Voice 11. Ako’y May Kaibigang Tunay Ako’y may Kaibigang tunay, Nagdudulot ng kasiyahan. Sa Kanya, ako’y may tagumpay, At puso ko’y may kagalakan. Pagibig ko, dagdagan Mo; Ikaw ay lalo kong pahalagahan. Ihahayag ko sa mundo, Ako’y sa ’Yo kaylan pa man. Ang daan N’ya’y nais kong sundan; Sa Kanya puso’y nakalaan. Mula sa mundong tinalikdan, Ang puso ko’y hinuhugasan. Habang buhay, iibigin S’ya; Aking ipagmamalasakit. Buong tiwala ko’y sa Kanya Ngayon at magpahanggang langit. Copyright→ © tune→ Aloha Oe 12. Kung Aking Lahat ang Mga Bagay Kung aking lahat ang manga bagay At walang Manliligtas sa buhay, Makasusumpong kaya ng aliw Sa pangakit na nagmamaliw? Lahat man ng manga kayamanan At anumang nasa sanlibutan, Kaylan ma’y ’di maaring itulad Sa buhay na Cristo’y nahayag. Kung ako man ay may kayamanan At pangalan ko’y iginagalang – Ito ba’y magbibigay pagasa At kanlungan ng kaluluwa? Kung aking lahat ang manga bagay At walang Manunubos sa buhay, Kaluluwa ko ba’y may daungan At sa sala ko’y may papasan? Ang mapakay Cristo’y anong galak; Lunas sa manga pusong may sugat. Bawa’t sala’y may kapatawaran. May aliw sa ’king kalungkutan. Kung si Jesus na lamang ang akin, Kahit na ako’y dukha’t hamakin, Sa katunayan, dahil kay Jesus, Ang kasiyahan ko ay lubos. 13. Sino’ng Hari ng Lahat? Sino’ng Hari ng lahat? Pagasa’y ’nilalahad; Sa kamatayan Niya, Niligtas ’yong kalul’wa. Sa dakong walang hanggan, Ang may nais, tatahan. Sino S’yang nagpupunla Ng buhay na salita Sa iyong puso ngayon Kung ikaw ay sangayon? ’Pag S’ya ang naghahari, Tagumpay ’yong bahagi. Sino’ng Hari sa tao Na ’tinakwil ng mundo, Nagbibigay ng ilaw, Pagasa sa naligaw? Kanyang inilalapit, Kaharian ng langit. Jesus, Hari’t Pangino’n, Tanggapin mo S’ya ngayon; Luklukan N’ya’y puso mo – Namatay dahil sa ’yo Nang ikaw ay manahan Sa Kanyang kaharian. Copyright→ © 14. Mayro’ng Isang Kaharian Mayro’ng isang kahariang ’di lilipas, Ng kapayapa’n, galak, at kat’wiran. Sa loob, may ganda’t yamang ’di kukupas; Kay lapit sa ’yo nitong kaharian. Siyang naghahari, pagpapalain ka; Sa Kanya’y pasakop at sumamba ka. Sa kahariang ito, may isang Hari; Nais N’yang puso mo ay pagharian. S’ya’y karapatdapat at sakdal sa dunong; Bibigyan ka N’ya ng kapangyarihan. Ngayon, ang Hari’y humahanap ng trono Nang puspusin N’ya ng biyaya ito. H’wag magatubili, S’ya ay sumasamo; Ang tronong ito ay ang iyong puso. Copyright→ © 15. Ihasik Mo, Salita N’ya Salita ng Dios, banal at tunay, Gaya ng binhi, ay may buhay. Isaysay sa ’kin ang balita N’ya Nang mabuhay ang aking kalul’wa. Ihasik mo, salita N’ya – Dulot ay buhay sa ’king kalul’wa. O, maghasik kang may pagtit’yaga; Ang salita N’ya’y mahalaga. Ang Evanghelyo, saysaying lubos Pagasa kong maging anak ng Dios. Ipahayag mo, buong balita; Kagandahan N’ya’y ipakita. S’ya’y pipiliin ko habang buhay Nang sa puso ko’y magharing tunay. Copyright→ © 16. Ang Pagliligtas ng Dios Laging gawain ng Dios na iligtas Ang tao sa sala n’ya’t maling landas. Ito ang Kanyang alok, walang iba, Na si Cristo, sa buhay mo’y makita. Ito ang pagliligtas ng Dios, Na sa ’yo’y manahan si Jesus. S’yang Panginoon ay ihayag Sa buong buhay mo nang maliwanag. Manga buhay nila’y pinaghahambing, Sa wastong asal, langit nais kamtin; Nguni’t buhay na ’di binago ng Dios, Walang pagasang manahan kay Jesus. Kaibigan, kung tapat ang puso mo, Cristo’y gawing Pangino’n at sundin mo. H’wag matakot ihayag ang ngalan N’ya; Lakas sasa iyo kung susuko ka. Copyright→ © 17. Sumunod sa Akin “Sumunod sa Akin,” Wika ni Jesus sa ’kin, “Ikaw ay aakayin Ko At magiging ama sa ’yo, Kung Ako’y ’yong susundin.” “Sumunod sa Akin, At pahinga’y ’yong kamtin. Kayamanan, kasiyahan, Walang sukat kang bibigyan Kung Ako’y ’yong susundin.” “Sumunod sa Akin, Nawa’y iyong pansinin; Itinanim, aanihin, Ano ang ’yong tatanggapin? Anak, Ako’y ’yong sundin.” Susunod sa Iyo, Pa’nong tatanggi ako? Hinanap at tinubos Mo, At Iyong tinanggap ako – Ngayo’y susunod sa ’Yo. Copyright→ © 18. Si Jesus ’Di Nagbabago Balita ng Evanghelyo, kaytamis nito – Si Jesus magpakaylan man, ’di nagbabago; Umiibig sa may sala’t may kasakitan, Umaaliw sa kanilang may kalungkutan. Ang lahat ay nagbabago, hindi si Cristo; Kahapon, magpakaylan man, ’di nagbabago. Hinahanap ka ng kaybigan ng maysala; Lumapit na at sa Kanya ay sumamba ka. ’Di ka N’ya hahatulan, sala’y iwan mo na; Tanggapin mo ang kapatawarang na alok N’ya. Siyang lumakad sa dagat habang may bagyo, Ngayo’y makapapayapa sa iyong puso; Ang nanalanging maningas sa Getsemani, Nakikiramay sa ’ting nagdadalamhati. 19. Walang Hanggang Buhay Sa bigat ng manga pasanin, Marami ang nalulumbay; Kung sila’y susuko kay Cristo, May galak at bagong buhay. Walang hanggang buhay, Idinudulot ni Jesus. Masaganang buhay! Tayo ay Kanyang tinubos. Bakit ba ika’y nagpapasan Ng lungkot at kabiguan? Buksan ang puso mo kay Jesus; Tanggapin ang kagalakan. Talikdan mo ang kalayawan Ng sala at sanlibutan. Lumapit sa bukal ng buhay; At si Cristo’y paglingkuran. 20. Nag¤aanyaya si Jesus Nagaanyaya si Jesus, “Sumunod ka sa Akin. Nagpapakasakit Ako Alangalang sa iyo. Alam Ko ang manga hilig, Tukso’t silo sa daigdig. Sa manga libis at bundok, Sumunod ka sa Akin.” “Kahit na nagkasala ka, Kita’y patatawarin. Sa kahirapan at dusa, Palalayain Kita. Magtiwala ka sa Akin; Ang lumipas ’yong limutin. Papahirin ko’ng luha mo, Sumunod ka sa Akin.” “Ang iyong manga pasanin Ilagak mo sa Akin, Bawasan ang iyong takot Sa lambot ng pamatok. Sa iyong manga paggala Sa karagatan o lupa, Ako ang Tagapatnugot – Sumunod ka sa Akin.” 21. Dumaraan si Jesus May puso bang umaasa, Nasa’y kapatawaran? Pakinggan mo ang balita – Si Jesus, dumaraan. Dumaraan si Jesus Dito ngayon. Dumaraan si Jesus, Dumaraan S’ya ngayon. May puso bang nahahapo Sa bigat ng pasanin? Sa awa, S’ya’y sumasamo – Si Jesus ay tanggapin. May puso bang nalulumbay, Pahinga’y inaasam? Sa Kanya, ika’y humimlay, Kamtin ang kasiyahan. Lumapit sa Manunubos, Lasapin mo’ng pagibig; Lumapit na sa pintuan Na patungo sa langit. 22. Tanging si Jesus Lamang Sa’n ako manganganlong Kung maunos sa da’n? Saan matatagpuan Ang katiwasayan? Tanging si Jesus lamang Ang Manliligtas ko. Matibay S’yang kanlungan, Kapayapaan ko. Tawag N’ya narinig ko, “Lumapit ka sa ’Kin, Ikaw ay magpahinga, Pagibig Ko’y dam’hin.” Manga pasan ng buhay, Mabigat na dalhin; Matamis ang bulong N’ya, “Ilagak sa Akin.” Tuloy sa paglalakbay Tungo sa tahanan Na kasama si Jesus – May kapahingahan. tune→ Sheltered 23. H’wag nga Kayong Mangatakot H’wag nga kayong mangatakot – Tumalima’t magtiis; S’ya ang tanging papatnugot Sa bundok at sa libis. H’wag nga kayong mangatakot; Pagkatapos maglakbay, Kakamtin n’yo’ng papuri N’ya At walang hanggang buhay. H’wag nga kayong mangapagod Pasanin ang inyong krus; Kahit masidhi ang tukso, May tagumpay kay Jesus. H’wag nga kayong magsiurong Sa dakilang labanan; S’yang makiramay kay Jesus, May kaluwalhatian. Kayo’y laging mangagtiis Upang tamuhin ninyo Ang dakilang gantimpala Na kaloob ni Cristo. Copyright→ © tune→ Anchored 24. May Tuluyan ba si Jesus? May matutuluyan kaya Si Jesus sa buhay mo? Tumutuktok, umaasa, Diringgin mo ba’ng samo? May tuluyan ba si Jesus – Ang Haring maibigin? Tumalima ka sa Kanya, At S’ya ay patuluyin. May dako sa kalayawan At manga gawain mo, Nguni’t walang matuluyan Si Cristo sa ’yong puso. Sa krus, S’ya ay nabayubay Sa ikaliligtas mo, Namatay S’ya dahil sa ’yo – Pinid pa rin ’yong puso? Ikaw ba ay may panahon Na gugulin kay Jesus Habang tumatawag ngayon Sa kahabagan ang Dios? S’ya ay iyong dinggin ngayon Bago puso’y lumamig, At h’wag mo nang hintayin pa Na magmaliw ang tinig. tune→ Room for Jesus 25. Si Jesus ang Ibig Ko Sa iyo na itong mundo; Si Jesus ang ibig ko. Ang mundo’y puno ng daya, Nguni’t tapat si Cristo. O, anong dakilang awa At pagibig N’yang wagas! Ang sakdal na katubusan – Buhay na walang wakas. Sa iyo na itong mundo; Si Jesus ang ibig ko. Maunos man ang lakbayin, May awit ang puso ko. Sa akin ngang paglalakbay Samantalang may buhay, Ilaw N’ya ang s’yang tatanglaw At s’ya ring papatnubay. Sa iyo na itong mundo; Si Jesus ang ibig ko. Tanging sa Kanyang krus lamang Ang pagmamapuri ko, Hanggang sa aking makita, Mukha ni JesuCristo At ang kal’walhatian N’ya Na hindi nagbabago. tune→ Life Above 26. Pakinggan Mo Siya Kung nais mong makasama Si Jesus sa buhay mo, Kailangan mong isuko, Buong buhay kay Cristo. Pakinggan mo Siya, Ika’y tinatawag N’ya. Sumunod sa Kanya Habang nabubuhay ka. Buksan mo ang iyong puso, Tanggapin ang salita. Magiging bukas ang langit; Patutuluyin ka N’ya. Kung sasarhan mo ’yong puso At S’ya ay tatanggihan, Hindi ka makapapasok Sa Kanyang kaharian. Magpasya ka’t tumalima; Patatawarin ka N’ya. Magpasakop ka kay Cristo, At aakbayan ka N’ya. Copyright→ © 27. Pag¤ibig N’ya’ng Humanap sa ’Kin Sa kahabagan ng Dios, Ako’y hinanap N’ya; Lipos ng kasalanan, Sa kawan, dinala Habang do’n sa kalangitan, Manga anghel, nagawitan. Ang Kanyang pagibig Ang humanap sa ’kin, At Kanyang dakilang biyaya, Sa kawan, naghatid sa akin. Ang kamay N’yang napako At putong na tinik, Hindi ba ito’y tanda Ng Kanyang pagibig? Sa aki’y ano’ng nakita Na ang dusa’y tiniis N’ya? Oras ay lumilipas, Pahinga’y lubos na; Ako ay naghihintay Ng bagong umaga – Sa pagtawag N’ya sa akin Upang suma Kanyang piling. 28. Naririnig Ko’ng Tawag N’ya Iniibig ng puso ko Ang daan ni JesuCristo. Naririnig ko ang samo, “Dating daan, layuan mo.” Naririnig ko ang tawag Ng aking Dios na may habag, Kaya ako’y susunod na Sa daang nilakaran N’ya. Mangutya man itong mundo Walang takot sa ’king puso. Mayro’n akong kaaliwan Dahil kapiling si Cristo. Dahil sa handog ni Cristo, May bagong pagasa ako. Tanging nais ng puso ko, Ihandog sa Dios, buhay ko. Lahat man ay laban sa ’kin, Tiwala ko’y sa Dios pa rin. May tagumpay at pahinga Sa tapat na pangako N’ya. Copyright→ © tune→ Consolation 29. Isinugo ng Dios ang Anak N’ya Isinugo ng Dios ang anak N’ya Upang tayo’y tubusin. Tanggapin mo S’ya sa iyong puso; Ika’y palalayain. Naghihintay sa ’yong mat’yaga, Si Jesus, ang Pangino’n. Ninanais N’yang pagharian ngayon, Puso mong sasangayon. Pagasa’t buhay ay kaloob N’ya; Ito’y ’di magbabago. Ang lumalapit, ’di mabibigo Sa tapat N’yang pangako. H’wag mong ipinid ang iyong puso Kay Jesus na namatay Upang iligtas ’yong kaluluwa, At ikaw ay mabuhay. Makipagkasundo ka kay Jesus; Nagdusa dahil sa ’yo. Tanggapin mo S’ya sa iyong puso; Kagalaka’y kamtin mo. Copyright→ © 30. S’ya’ng Aking Kasiyahan Buong buhay ay humingal Ang aking kaluluwa Dahil sa uhaw sa tubig Na s’yang makasisiya. Nasumpungan ko si Jesus! S’ya’ng aking kasiyahan. Sa Kanyang mahal na dugo, Ako’y may katubusan. Nagpagal ako nang lubos At umasa sa mundo, Nguni’t walang katugunan Sa gutom at uhaw ko. Ninais ko’y manga yaman Ng sanlibutang ito, Nguni’t naging kutya lamang Sa daing ng puso ko. S’ya’y bukal ng kasiyahan, Ang tinapay ng buhay, At ’dimalirip na yaman – Manunubos kong tunay. 31. Wala Bang Tumutulong? Magisang gumagala Sa dilim ng gabi, Kaaliwan ang nais, Liwanag ang mithi, Sa manga kabiguan, Walang makaaliw, Ganyan ang walang Cristo – Walang Mangaaliw. Wala bang tumutulong At umaalalay Sa pasanin at lungkot – Walang dumaramay? Kung puso’y nagdurugo Sa pakikilaban, May makakanlungan ba? May mapupuntahan? Mayro’n ngang naghihintay, Ika’y daramayan Sa manga pasanin mo At kabalisahan. S’ya ay laging matapat At maaasahan, Kapatid at kaybigan – Sa iyo’y kanlungan. Kadiliman ng ilang, Bakit ’di takasan? Bakit ’di mo iwanan Ang ’yong kalungkutan? Liwanag ay sundan mo; Naghihintay na S’ya – Sa iyo’y nananabik Nang kalingain ka. Copyright→ © 32. Anak N’yang Alibugha Inaksaya ko ang mana; Nagkasala nang lubha. Kay pait nang makilala, Ang aking pagkadukha. Nabigo, walang pagasa, Mata ko’y namulat na: Sa Ama ako’y lalapit Upang maging lingkod N’ya. Kasalanang ’di mabilang Ay ipinatawad N’ya; Kinahabagan N’ya ako – Anak N’yang alibugha. Kahit ako’y malayo pa, Ako’y nakilala N’ya; Tinanggap at pinatawad Bagama’t nagkasala. Nagsaysay akong may hapis, Sala’y ipinagtapat; Hiniling kong maging lingkod ’Di man karapatdapat. Sala ko ay ’di pinansin Ng maibiging Ama. Agad, sa Kanyang tahanan, Ako’y pinatuloy N’ya. Yaman N’ya’y ibinahagi, Binihisan N’ya ako. Sa Ama ay nakisalo, Nalubos ang galak ko. tune→ Land of Beulah 33. Mahalaga ang Kaligtasan Ang Dios ay nagaanyaya Sa buhay na may Cristo. Lumapit ka, h’wag tanggihan; Kaligtasa’y sasa ’yo. Walang ibang mahalaga Kundi ang kaligtasan Ngayo’t sa hinaharap pa, Sa kabilang buhay man. Dinggin ang manga propeta Na may payo’t babala; Nang maligtas, lumapit ka Habang S’ya’y narito pa. Isamo’y kapatawaran; Ito’y tatanggapin mo. Kay Cristo’y walang paghatol. S’ya lang ang kanlungan mo. Ang Dios ay nagaanyaya, Ngayon ay lumapit ka. Daramtan ka ng kat’wiran; Buhay ay bibigyan ka. Copyright→ © 34. May Isa, si Jesus! Mayro’n bang handang tumulong At sa ati’y daramay Kapag ang ating puso’y nasugatan? Isang, dahil sa pagibig, Sa ati’y nagbibigay Ng ating tunay na pangangaylangan? May isa, si Jesus! Walang makatutulad kay Jesus. Tayong nahihirapan At nabibigatan, Makasusumpong ng tulong kay Jesus. Mayro’n bang handang tumulong; Kapayapaa’y gawad, Sa pusong nabibigatan sa sala? Isang nagbuhos ng dugo At may pagpapatawad Upang dalisayin ang puso’t diwa? Mayro’n bang handang tumulong At aakbay sa atin Pagtawid sa ilog ng kamatayan? Maghahandog ng liwanag; Pangamba’y papawiin Hanggang makasapit sa kalangitan? 35. Dinggin Mo’ng Tinig ni Jesus Dinggin mo’ng tinig ni Jesus; Tinatawag ka. Dahil sa ’yong kasalanan, Namatay Siya. Dinggin, dinggin, H’wag mong talikdan; Si Cristo ay iyong sundin Magpakaylan man. Sa bukal ng kasayahan Ng sanlibutan Ay dinanas mo ang hirap At kalungkutan. Tatanggi ka ba kay Jesus, S’ya, ang matapat? Sasamahan kang palagi; S’ya’ng magiingat. Puso’y isuko kay Jesus, Sala’y talikdan; Sa t’wina, sa iyong buhay, S’ya’y mananahan. Copyright→ © 36. Ako Noo’y Malungkot Ako noo’y malungkot, Walang kagalakan; Gumala sa karimlan, Malayo sa kawan. Ako ay ginapusan, Sa sala’y nasadlak. Sa hapis ng kalul’wa, Nais ko ay galak. Ga’nong galak ng loob – Cristo’y nasumpungan, Sala ko’y hinugasan, Pahinga’y kinamtan. Hinanap ko ang yaman At ang kalayawan; Nguni’t kabiguan lang Ang aking nakamtan. Wala akong pagasa Ni galak sa buhay; Ang tangi kong dinanas Pagsisisi’t lumbay. Lumalim pa ang dilim; Pagasa’y lumabo. Narito, narinig ko Ang tinig ni Cristo. Ang bulong N’ya sa akin Ay kapatawaran Ng aking kasalanan Na Kanyang pinasan. Copyright→ © 37. Si Cristo’y Siya Rin Si Cristo’y Siya rin Kahapon, ngayon din, Walang hanggan. S’ya ay naging dukha At nagpakababa; Sinugo ng Ama – S’ya ang Daan. “Maghari Ka, Cristo, Lagi sa buhay ko – Ito’y sa ’Yo. Iyong kalooban, Aking gagampanan; Dusa’t kahirapan, Babathin ko.” Ang manga hinirang, Mangagaawitan – Nagtagumpay. ’Di na malulumbay At ’di mamamatay; Tinubos N’yang tunay, Ating buhay. Copyright→ © tune→ Olivet 38. Panahon ay Nagdaraan Panahon ay nagdaraan, Kay bilis na maglaho; Ito’y samantalahin mo ’Pagka’t ika’y yayao. Maigsi lamang ang buhay, ’Di magbabalik ito; ’Yong lakas h’wag mong gugulin Sa yaman nitong mundo. Bumili ng gintong tunay At puting kasuotan. May pangitaing malinaw, Lumakad ka sa Daan. Panahon, nagtutumulin, ’Di maaring pigilin. Anino ay nagbabadya, Na gabi’y dumarating. Hayo na’t samantalahin Habang may panahon pa – Hanapin mo’ng yamang tunay Na hindi masisira. Nais ng Dios na gawin ka Na tulad sa Anak N’ya. H’wag mo nga S’yang pighatiin Ni hadlangan, gawa N’ya. Si Jesus lang ang kat’wiran – Magaral ka sa Kanya, S’yang puspos ng kaamuan; Tatamis ’yong pahinga. Copyright→ © 39. Mangyari, Dios, ang Kalo’ban Mo Mangyari, Dios, ang kalo’ban Mo – Magpapal’yok Ka, putik ako. Sa wangis Mo, ako’y hubugin; Naghihintay na ’Yong saklawin. Mangyari, Dios, ang kalo’ban Mo – Siyasatin, subukin ako. Dalisayin Mo ang buhay ko Habang iniaalay sa ’Yo. Mangyari, Dios, ang kalo’ban Mo – Kapangyariha’y nasa Iyo. Hipuin at pagalingin Mo, Hapo at sugatang puso ko. Mangyari, Dios, ang kalo’ban Mo – Nasa kamay Mo ang buhay ko; Punuin ng ’Yong Espiritu Nang makita sa ’kin si Cristo. composer→ Geo C. Stebbins 40. ’Di Magtatagal ang Buhay Kay tamis na maalaman Ang Mabuting Balita. Pupurihin ko si Cristo Dahil sa pagibig N’ya. ’Di magtatagal ang buhay, Makikita natin S’ya. Sa langit ay walang hanggan Ang pakikisama N’ya. ’Pag daan mo’y nadirimlan, Masdan mo ang Calvaryo. Ang Anak ng Dios nagdusa, Dahil sa ’kin at sa ’yo. Ipagpapaliban mo ba Ang balak ng Dios sa ’yo? Buhay ay maigsi lamang, Kalo’ban N’ya’y sundin mo. Sa araw ng paghuhukom, Tayo’y makikilala; Sa harap ng Panginoon, Tatayong nagiisa. Copyright→ © composer→ Elsie Ahlwen 41. Kung Batid Natin, Wakas ng Buhay – Habang araw ay dumaraan At ang buhay ay lumilipas, Tayo’y makinig sa manga payo Ng maibiging Manliligtas. Kung batid lang ang wakas ng buhay, Gagawin natin ang kalo’ban N’ya, At hindi natin hahamakin Ang laang gantimpala. Bawa’t hakbang ay naglalapit Sa ’tin sa dulo ng lakbayin; Ito’y paalaala sa atin, Kabilang buhay tutunguhin. D’on sa libis ng alinlangan, Manga buhay ay nasasayang; Ang abang daan ng Panginoon Ay kanilang tinatanggihan. Papalapit na nga ang araw, Ang Hari’y ating makikita; Nasa kanang kamay N’ya ang setro, Handang tanggapin ang hirang N’ya. Copyright→ © 42. “Lumapit Ka,” Anyaya ni Jesus “Lumapit ka,” anyaya ni Jesus, “Upang ang puso mo ay magalak. Kahit nabibigatan kang lubha, May pahinga sa lahat ng hirap.” “Halika na, lumapit ka; Ibibigay Ko sa ’yo ang buhay, Kapayapaan, kapahingahan.” S’ya’y nagaanyayang muli sa ’yo; Pagal ka man at may kasakitan. Ang alinlangan mo’y mapapawi; Magkakamit ka ng kapayapa’n. Buhay, pahinga, kapayapaan Na dito ay tinatanggap natin, Naglalarawan ng kagalakan Na sa langit, naghihintay sa ’tin. composer→ Geo. C. Stebbins 43. Pahinga, Payapa sa Kawan Ang tinig ng Pastor ay tumatawag; Dulot N’ya’y tunay na yaman. Bakit gagala sa gitna ng sala? Pahinga, payapa sa kawan! Pahinga, payapa; Pahinga, payapa Sa kawan. Ang kaligayahan ng kasalanan Ay panandalian lamang. Ginto ng langit ay ’di masisira – Lumapit, lumapit sa kawan. Ang tinig N’ya ay muling tumatawag; Bakit nagaalinlangan? Ang kasaganaan ay makakamtan – Pumasok, pumasok sa kawan. Copyright→ © 44. Susundan kita, Jesus Nilakaran ni Jesus ang mat’wid na daan – Patungo sa Amang Dios at sa kalangitan. Pakinggan, sundin natin ang Kanyang kat’wiran; Maliwanag, Kanyang manga hakbang. Susundan kita, Jesus, tutupdin ang lahat Ng Iyong kalooban at magiging tapat. Sapagka’t ang biyaya Mo sa akin ay sapat, Buo kong kaya ang gagawin ko. Inihandog ni Jesus ang buong katawan, Nagtiis S’ya ng krus at ng kaparusahan, Ibinuhos ang dugo sa sangkatauhan – Binayaran N’ya ang katubusan. Tayo’y dapat na magpatuloy sa lakbayin, Kahit mundo’y humadlang at tayo’y kutyain; Ang magtatagumpay ay Kanyang pupurihin, “Mabuting gawa, manga alipin.” 45. Ang Tinig ng Pastor Ang tinig ng Pastor, Sa puso’y tumagos; Sala at kasamaan ko, Tatalikdang lubos. “O, Panginoon, Ako’y tanggapin; Buhay at pagibig Mo, Ihayag sa akin.” Ang buo kong buhay Ay isinusuko. Pahinga ng kawang tunay Ang nais ng puso. “O, Pastor na tapat, Ika’y kaylangan ko Nang sa akin ay magingat Sa gulo ng mundo.” Tinatawag ako Buhat sa paggala; Akin S’ya at ligtas ako – Sumasa puso N’ya. Copyright→ © 46. Kinakailangan Ko si Jesus Aking kinakailangan, Si Jesus makapiling. Ako’y Kanyang sasamahan At laging aaliwin. ’Di ako matatakot – Si Jesus ang susundan. S’ya’y aking Tagapatnugot Sa daang lalakaran. Pananampalataya ko Ay totoong mahina, Nguni’t ako’y aaliwin Ng manga salita N’ya. Sa karimlan o liwanag, O sa along malagim, Ako’y Kanyang aakbayan; Sa daa’y aakayin. Habang ako’y palapit na Sa aking kamatayan, Ako’y Kanyang sasamahan Hanggang sa katapusan. 47. Buhay na Walang Cristo Maari kayang mabuhay Kung wala si Cristo? At walang pumapatnubay Sa buhay na may gulo? Kung walang Tagapagligtas Ni pagasa sa buhay, Maari bang kahit sino Mangahas na mamatay? Kaylumbay ng iyong buhay Kung wala si Cristo; Walang ilaw at pagasa Na aaliw sa iyo. Kaydilim ng paglalakbay Kung wala si Cristo. Sa malalagim na unos, Gawin S’yang kanlungan mo. O, lumapit ka kay Cristo, Puso’y ibigay mo Bago habag N’ya’y magmaliw At sabihing, “Lumayo.” 48. Anong Bilis na Dumaan ang Buhay Kay bilis, ’Yong padaraan Dito sa sanlibutan, Nguni’t hantungan mo’y saan, Sa Dios ba’t kalangitan? Panahon ay dumaraan, Nguni’t tungo mo’y saan? Kay bilis ng manga araw, ’Di maaring pigilan. Kay tamis na maalaman, May ilang nagdaraan Na sa kanila, si Cristo, Tagaakay at daan. Anong bilis kung lumipas, Manga hiram na oras; Nguni’t iba’y walang ingat Sa buhay nila’t lakas, At niyuyurakan nila, Dugo ng Manliligtas. Lumilipas, dumaraan, Panaho’y mawawala; Gayon man, ang paanyaya Ng Dios ay patuloy pa, “O, halina, lumapit ka Sa Aki’y may buhay ka.” tune→ Kingston 49. Marahan ang Kanyang Tinig Marahan ang Kanyang tinig, “Kalul’wa, gumising ka.” Maawaing Panginoon, Ngayo’y dumaraan na. Lumapit ka ngayon; Si Jesus ay dumaraan. Marahil ito ang huli Na Niyang pagdaraan. S’ya’y nakikiusap sa ’yo, “Kasalanan ay iwan. Hanap mong manga aliwan, Dulot ay kalungkutan.” May kapayapaang tunay Sa pusong sumusuko. Pagibig N’yang walang kupas Ay magiingat sa ’yo. Kahit ang iba’y nagtaksil, Si Jesus, tapat pa rin. Tumindig ka at S’ya’y sundin; Buhay mo’y h’wag sayangin. Copyright→ © 50. Isang ’Di¤Makitang Templo Sa hapis at galak, tayo’y nagtatayo Ng isang ’dimakitang templo. Ito ay mananatili magpakaylan man, Kapag itatatag sa bato. Bawa’t oras ay ginto – Gamitin at magtayo Ng isang templong mananatili. Ang lahat ng tagumpay, Tiyak magpapatibay Nitong templong mamamalagi. Ang gusaling ito’y ating binubuo Sa pagsunod kay JesuCristo. Dahil sa pagibig, kawanggawa sa kap’wa, Gagantimpalaan N’ya tayo. Mangagpuyat tayo at tibayan natin Itong templong itinatayo. “H’wag sa buhanginan,” sabi ng Panginoon, “Kundi sa ibabaw ng bato.” 51. Sa Pagtawag ng Pangino’n Natin Sa pagtawag ng Pangino’n natin, Siya ba’y ating sasalubungin? Marinig kaya, “Pumasok ka Sa kapahingahang handa na”? Tayo ba’y nagtatayo ng bahay Sa ibabaw ng batong matibay? ’Di mabubuwal, may unos man, At ito’y lalagi kaylan man. Tayo ba’y nagtatayo ng bahay Sa buhanginang hindi matibay? Ito’y babagsak kung may unos, At mabibigo tayong lubos. Kaya’t magtayo ayon kay Cristo – Ang Bato natin, tanging Pangulo. S’ya’y ating sundan, may kutya man; Sa Kanya’y may katiwasayan. Copyright→ © 52. Dinggin Mo, sa Oras Ang buhay ay katulad Ng dahong nalalagas, Kaya’t ika’y magnilay Sa oras. Lumilipas ang araw; Buhay ay magwawakas – Iyong samantalahin Ang oras. Dinggin mo, sa oras, Habang si Jesus ay tumatawag pa; Kung mananatili ka Sa iyong manga sala, Tangis mo’y mahuhuli Sa oras. Ang lakas, nawawala, At ganda’y kumukupas; Buhay ay napaparam Sa oras. Inaanyayahan ka; H’wag lumagi sa labas. Pumasok ka na ngayon – Sa oras. Pansinin mo’ng babala Ng ating Manliligtas; Sa Kanya’y tumalima Sa oras. Ikaw ay h’wag maghintay Na araw ay lumipas; Buhay mo’y babawiin – Sa oras. 53. H’wag Labanan ang Espiritu H’wag mong labanan ang Espiritu; Kanyang hinihintay ang pas’ya mo. Makigalak kay Cristo Sa kaharian ng Dios. H’wag mong sadyain, Manatili sa labas Ng kaharian ng Dios. Magmadali ka, at h’wag sayangin Panahon ng biyayang dumating Nang ika’y papasukin Sa kaharian ng Dios. Pababayaan ba ang buhay mo, Hanggang huli na, pagsisisi mo; Masumpungang malayo Sa kaharian ng Dios? Pakinggan mo ngayon ang tinig N’ya. Lumapit na at magpasakop ka Nang maging tiwasay ka Sa kaharian ng Dios. Copyright→ © 54. Ika’y Dadalhin sa Paghuhukom Ikaw ay dadalhin ng Dios Sa huling paghuhukom. Pansinin mo at pakinggan Ang pagtawag N’ya ngayon. Lumapit ka na kay Jesus; Naghihintay na Siya. O, maniwala sa Kanya; Patatawarin ka N’ya. Ikaw ay dadalhin ng Dios Sa huling paghuhukom. Kaybilis na lumilipas, Manga pagkakataon. H’wag mong sayangin ang buhay; Dinggin ang Kanyang tinig. Kanlunga’y matutuklasan Kung ika’y mananalig. Ikaw ay dadalhin ng Dios Sa huling paghuhukom. ’Di maaring maiwasan, Pagharap sa Pangino’n. Ikaw ay mapapahamak Kung tutuloy sa sala. Habang awa N’ya’y sagana, Ngayon ay pasakop ka. Copyright→ © tune→ Converse 55. Jesus, Ako’y ’Yong Turuan Jesus, ako’y ’Yong turuan Upang pumiling maingat; May libong pas’ya sa buhay, May kahihinatnang lahat. Ika’y pumili rin noon, At higit pa’ng dinanas Mo Kaysa aking tinitiis – Bakit ’di lalapit sa ’Yo? Jesus, ako’y ’Yong turuan, Nang ang pagpili ko ngayon, Maging gaya ng pili ko ’Pag nagwakas ang panahon. Ako’y turuang pumili Sapagka’t bata pa ako, At nasa mundong madilim Na puno ng manga gulo. Galak na ’di nagtatagal Na alok ng sanlibutan, ’Di Mo pinansin, O, Jesus; Ika’y aking tutularan. Ako’y turuang pumili; Iyong nauunawaan Ang hilig ng kabataan At silo sa sanlibutan. ’Di ko man mabatid ngayon, Mahahayag pagkatapos Kung bakit itinuro Mo Na sumunod sa ’Yong lubos. Copyright→ © 56. Si Jesus ay Tumatawag Si Jesus ay tumatawag, At ako ay susunod. H’wag nawa akong hadlangan; Sabik akong sumunod. Paguusig, titiisin Alangalang kay Jesus; S’ya’y patuloy sa pagtawag – Susunod akong lubos. Si Jesus ay tumatawag; Diringgin ko’ng tinig N’ya – Nagpapagalak sa puso; Takot pinapawi N’ya. Si Jesus ay tumatawag; Ako’y makikiramay Sa Kanyang dusa at sakit Ngayon at habang buhay. O, iyo ngang paningasan Ang taglay mong ilawan. S’ya ay tumatawag sa ’yo; Magtindig ka’t S’ya’y sundan. Copyright→ © composer→ Grant Colfax Tullar tune→ Vision 57. Iisa ang Buhay Isa lamang ang buhay dito, Parang singaw na lumilipas. Kailangang maglingkod ako Sa Kanya, ngayo’t hanggang wakas. Iisa ang buhay – Ibig kong ibigay kay Cristo. Iisa ang buhay – H’wag ko sanang sayangin ito. Ang buhay kong ito sa ngayon, Kung gamitin sa ngalan ng Dios Ay tutubo ng manga libo At makalulugod na lubos. Iisa lamang ang buhay ko. Ang bukirin ay maputi na, Kaya, makikiani ako Kahit kaunti lang ang kaya. Copyright→ © 58. Wala Bang Ilaw? “Wala bang ilaw,” hibik ng kalul’wa, “Nang tanglawan, aking manga hakbang ’Pagka’t ako ay nanlulupaypay na Sa kasamaan ng sanlibutan?” Kay Jesus, ang ilaw ay nagniningning. Wika N’ya sa ’yo, “Ako ang Daan.” ’Di kaylangang gumala sa karimlan; Lumapit ka, ’di ka babayaan. Nagniningning na ang Ilaw sa iyo; Sundan mo ang Kanyang pagaakay, H’wag kang magluwat, baka dumilim na; Kung maiwan ka N’ya, anong lumbay! Copyright→ © 59. Buhay na Ukol sa Lupa Buhay na ukol sa lupa, Minsan lang na taglayin. ’Di maluwat, matatapos Itong ating lakbayin. Ano’ng pakinabang Kung ika’y makakuha Ng ginto at kasayahan At buhay mo’y mawala? Kukupas ang kagandahan, Madaling mapaparam. Tulad sa manga bulaklak, Ang buhay nating hiram. Kung ika’y may kabiguan, Lubhang nabibigatan, Magpasakop ka kay Jesus; Kamtin mo’ng kaligtasan. Ikaw ba ay tatalima – Makikipagkasundo? Ito ang mabuting pas’ya: Si Cristo ay sundin mo. Copyright→ © 60. Puso Mo’y Buksan Talikdan mo ang ’yong sala – H’wag magpaliban; Kalayawan ay iwan mo; Puso mo’y buksan. Habang ikaw ay may buhay, At ang Dios, nananabik pa, Sa Kanya ay magbalik ka; H’wag nang gumala. Sa malumanay N’yang samo, Puso’y h’wag sarhan; Tinig N’ya’y dinggin mong lubos; Puso mo’y buksan. Sa paanyaya ni Cristo, Puso’y h’wag sarhan; Sa kaligtasan N’yang alay, Puso mo’y buksan. Sa galak na ’di kukupas, Puso’y h’wag sarhan; Sa kapahingahang tunay, Puso mo’y buksan. 61. Tinatawag Kang Umuwi Tinatawag kang umuwi sa tahanan; Malayo ka sa kawan Niya. Naaanod sa ilog ng kamatayan, Ikaw ay walang pagasa. Tanggapin ang paanyaya Ng iyong Tagapagligtas. Inihandog N’ya ang Kanyang buhay Upang ikaw ay iligtas. Landas mo’y may panganib na natatago; Baka kalul’wa mo’y masilo. Dinggin mo ang tinig at magpasakop ka Sa nais ng Pangino’n mo. Pasan ng buhay mo’y Kanyang aangatin Nang lumiwanag ’yong landasin. Nakaraang sala mo’y papawiin N’ya; Pagibig N’ya’y ’yong lasapin. Kalul’wa mo’y Kanyang pagpapahingahin; Panahon mo’y samantalahin. Ang walang Cristo’y may wakas na madilim; O, ano’ng iyong gagawin? Copyright→ © 62. Sa Iyo at sa Akin Malumanay ang pagtawag ni Jesus Sa iyo at sa akin; Narito’t nagbabantay sa pintuan – Naghihintay S’ya sa ’tin. “Sa tahanan, Ikaw ay umuwi na.” Malumanay na tinatawag ka N’ya; “Ikaw ay umuwi na.” Bakit S’ya ay ating paghihintayin? Sumasamo S’ya sa ’tin. Bakit wawalingbahala ang awa, Awa sa ’yo at sa ’kin? Oras at sandali’y dumaraan na, Sa iyo at sa akin; Lumalapit ang pagsapit ng dilim, Sa iyo at sa akin. O, anong kahangahangang pagibig Sa atin, pangako N’ya, Kahit tayo’y puspos ng kasalanan, Pinatatawad Niya. tune→ Thompson 63. Bakit ’Di Isusuko ang Buhay Mo? Paminsanminsan, ikaw Ay nagbubulaybulay, At iyong nalalaman Kukunin ’yong buhay. Bakit, di mo Isusuko ang buhay mo? Lumapit na, Tanggapin mo S’ya; Ika’y magiging kay Cristo. Malimit kang magbalak, Dios mo’y paglilingkuran; Nguni’t sa kalayawan Ay nagagapusan. Nais ka N’yang iligtas; Bigyan ng kalayaan At buong kalakasan Nang S’ya’y paglingkuran. O, h’wag ka nang magluwat; Ngayon S’ya’y paglingkuran. Ikaw ay bibigyan N’ya Ng kapayapaan. Copyright→ © 64. Bakit Aking Lalakaran? Bakit aking lalakaran Ang daan ng kadiliman Na walang kapayapaan? Si Jesus lang ang Daan. Nabihag ang aking puso Ng katotohanan ng Dios. Sa langit o sa lupa man, Walang tulad kay Jesus. Dunong ng tao’y patungo Sa kamalian at gulo; May galak ang makatanto, Si Jesus ang kat’wiran. Sa sarili’y ’di ko kaya Na magtagumpay sa sala; Ang aking tanging pagasa – Tanggapin ko si Cristo. Kahit sala’y naglipana, Kay Jesus ako aasa; Walang dungis, dalisay S’ya – Kaybigan ng maysala. Copyright→ © tune→ Hanwell 65. O, Hari Kong Jesus O, Hari kong Jesus, Ako’y sa ’Yo; Magpahanggang wakas, Ako’y sa ’Yo. Aking tatalikdan, Manga kalayawan Nitong sanlibutan. Ako’y sa ’Yo. Iba’y babayaan, Ako’y sa ’Yo. Itong aking buhay, Tanging sa ’Yo. Yaman, kapurihan, At karangalan man, Aking tatanggihan. Ako’y sa ’Yo. Aking tutuparin Ang nais Mo; Hirap babathin ko Dahil sa ’Yo. Sala’y lalayuan, Ako’y pagharian; H’wag Mo akong iwan. Ako’y sa ’Yo. tune→ Feast 66. Kaylapit Mo sa Kaharian Kaylapit mo sa kaharian; Nasa labas pa ng pintuan. Tumindig ka ngayon; Buhay ipaampon Kay Jesus, Pangino’n – H’wag magluwat. Ngayo’y malapit sa pintuan; O, h’wag ka nang magalinlangan. Dapat kang magpasya, At ’yong italaga Buhay mo sa Kanya Buhat ngayon. Malapit nguni’t nasa labas; Pumasok ka at maliligtas. Si Cristo’y tanggapin; Ika’y aakayin. Iyong maaangkin Pagibig N’ya. Copyright→ © 67. Jesus, sa Iyo ang Aking Tiwala O, Jesus, tanging sa Iyo, Aking tiwala, At sa pagliligtas Mo lang Aasa. O, Jesus, tanging sa Iyo, Aking tiwala Na magkamit ng patawad Sa sala. O, Jesus, tanging Ikaw lang, Aakay sa ’kin; Kaylangan ko’y ibigay Mo Sa akin. Ikaw lang ang magbibigay Ng lakas sa ’kin; Sa tulong Mo ang tagumpay, Kakamtin. O, Jesus, tanging Ikaw lang Ang tiwala ko; H’wag Mo akong pabayaan, Matalo. tune→ Bullinger 68. May Kamay na Nakaunat May kamay na nakaunat Sa pagibig at awa, Na sa ati’y papatnubay Sa tahanan ng Ama. Nakaunat sa iyo, Nakaunat sa akin, Ang kamay ng Pangino’n – Kamay na mahabagin. Kung hindi ko igagalang Ang anyaya N’ya sa ’kin Ay hindi mamamalagi Ang biyaya N’ya sa ’kin. Hahawakan kong matibay, Kamay N’yang umaakay. Sa Kanya’y isasalalay, Ang aking buong buhay. 69. Puso Ko’y Naangkin ng Dios Puso ko’y naangkin ng Dios Dahil sa nakilala ko Ang pagibig N’ya’t layunin Nang suguin N’ya si Cristo. Nabuhay S’ya at namatay Upang ako ay tubusin. Ang buhay ko’y isusuko; Mula ngayon, Kanyang angkin. Ang lumalakad sa daan, Nakikiramay kay Cristo, May kapayapaa’t galak, Higit sa dulot ng mundo. Dito sa mundong masama, Jesus ang kaybigang handa. Papatnubay S’ya sa daan; Daraanan ay alam N’ya. Copyright→ © composer→ J. M. Black 70. Tiyak Na ang Aking Pas’ya Tiyak na ang aking pas’ya, Si Cristo ang susundan; Saan man ako akayin, S’ya’ng pagtitiwalaan. Ang Kanyang nagiisang da’n Ay s’yang lalakaran ko; Kahit na may kahirapan, Jesus, sasama ako. Si Jesus ay umaakay; Sa Kanya ang puso ko. Kung S’ya ay wala sa akin, Kalunoslunos ako. Hindi ako matatakot – Masidhi man ang tukso, At ang manga manguuyam Ay nasa harapan ko; Palibot ko ma’y karimlan, Ikaw ang liwanag ko. Kung ako’y ’Yong aakbayan, Jesus, sasama ako. Kahit mayanig ang lupa, At araw ay marimlan; Mabagsik man ang kaaway, Ika’y pananaligan. Kahit magpasan pa ng krus Sa da’ng lalakaran ko, Maging sa sakit o dusa, Jesus, sasama ako. 71. Nagkakatipon na Kami Nagkakatipon na kami, O, Dios, sa ’Yong ngalan. Sa salita at dalangin, Kami ay tulungan. Panginoon, Naghihintay kami Sa Iyong harapan ngayon; Nawa’y Iyong pagpalain kami. O, kaytamis na sandali Na walang ligalig Nang sa ’Yo’y lumapit kami, Buong puso’t isip. O, Dios, kailangan namin Ang paglilinis Mo; Sa masamang kaisipan Kami’y linisin Mo. O, Dios, nawa ay maghain Kami ng papuri – Isang handog na maaya, Dalisay, at tangi. Copyright→ © 72. Sa Pangalan ni Jesus Kami ay nagkakatipon Sa pangalan ni Jesus; Nawa ang Espiritu N’ya, Palaksin kaming lubos. Dios, kami’y ’Yong aliwin, Turuang manalangin, Makinig sa Iyo lagi, Magtapat sa layunin. Kung Ika’y wala sa amin, Lahat ay walang saysay; Kung Ikaw ay nasa amin, May kalayaa’t buhay. Iisa sa puso’t isip, Kami’y walay sa mundo; Aming diwa’y ’Yong buhayin Habang nasa harap Mo. Kung pa’nong kinakaylangan, Sa puno’y manatili Ang sanga upang magbunga, Gayon din sa ’Yo, kami. Copyright→ © 73. Bumukod Kayo at Magpahinga Bumukod kayo at magpahinga; Alam Kong kayo’y napapagod na. Inyong kapaguran ay limutin, At magpanibagong lakas sa ’Kin. Bumukod kayo sa sanlibutan; Sa tanging pakikipagugnayan, Kasama Ko at ng Aking Ama, Tunay na ’di kayo nagiisa. Isaysay sa ’Kin, inyong ginawa, Ang manga pangamba at pagasa, Inyong tagumpay at pagkatalo – Lahat ay nauunawaan ko. Paglabas sa pagtitipong banal, Yumaon na kayo at magpagal; ’Di sayang panahong natuto pa Sa Panginoon at pahinga N’ya. tune→ Eventide 74. Ang Matamis Mong Kalooban Dios, matamis Mong kalo’ban, Sandigan at tahanan ko; Kumakanlong ako sa ’Yo, At doo’y tiwasay ako. Ang mabuti’y s’yang layon Mo. Sa akin ay manguna Ka, At susunod ako sa ’Yo Na may lubos na tiwala. Ang matamis Mong kalo’ban Ay bumihag sa ’king lubos; Nakukulong man, may galak Sa dako ng biyaya, Dios. Ang pamatok Mong magaan, Nagpapasigla sa puso. Ang akin ngang kalayaan Ay ang pamamahala Mo. Ang dakila Mong kalo’ban, Ngayon, ay magiging akin. “Oo,” ang tugon ko sa ’Yo – Bawa’t utos Mo’y susundin. tune→ Holley 75. Sa Aming Pulong Sa aming pulong, Lumapit, Ama, Sa abang puso Ng bawa’t isa. Sa ’ming dalangin Ay hinihiling Ang ’Yong biyaya Na lakas sa ’min. Sa patotoo Na galing sa ’Yo, Ihayag namin Ang layunin Mo. Ang salita Mo Ay s’yang tinapay – Taglay ay buhay, Alay na tunay. Sa ’ming paglisan Sa pagtitipon, Magtapat sa ’Yo Ang aming layon. Ang aming buhay, Iyong ugitin Upang ang iba, Sa ’Yo’y akayin. Copyright→ © 76. Panginoon, Suma Amin Panginoon, suma amin Sa Espiritu; Pawiin Mo’ng aming takot Habang narito. Sa Iyong uliran, Jesus, Susunod kami. Tayo, laban sa kaaway Ay magwawagi. Sa aming pananalangin, Mamagitan Ka; Nawa, kami’y ’Yong palaksin Sa pagbabaka. H’wag nawa kaming matakot Sa manga tao, Habang tinutupad namin Ang kalo’ban Mo. Kahit kami’y humihina At namamatay, Kami’y Iyong babaguhin Sa pagkabuhay. Copyright→ © 77. Narito ang Dios Narito at nananahan Sa Kanyang bayan ang Dios; Alangalang sa kanila Ay namatay si Jesus. Ingatan Mo kami sa da’n Na tinahak ni Jesus, At sa ’Yong katotohanan, Akayin kaming lubos. Narito, S’ya’y humahanap Ng maisusugo N’ya. Buhay natin ay isuko Upang tayo’y magbunga. Narito ang Dios sa atin; ’Di tayo bibiguin. Habang mahal natin ang Da’n, Tayo’y palalakasin. Narito S’ya ’pag madilim At tayo’y nalilito; Kamay N’ya ang s’yang aakay, Kahit may pagkabigo. Copyright→ © tune→ Arch Street 78. Tulungan Mo Kami, O, Dios Tulungan Mo kami, O, Dios, At udyukang manalangin. Ang kaaway ay malakas; Kami’y Iyong patatagin. Mahihina kami, O, Dios, Nguni’t minamahal ang Da’n; Pangunawa kami’y bigyan Upang idalangin namin Ang manga nadirimlan pa, Nang kanila Kang hanapin. Puso nami’y ’Yong puspusin Ng dunong na galing sa ’Yo Nang sa pamumuhay namin, Maitanyag ang buhay Mo. Sino sa langit o lupa, Ang sa ’Yo’y maipapantay – Maawain, tapat, banal, Isang kaibigang tunay? Copyright→ © tune→ He Leadeth Me 79. Dios, ang ’Yong Kinaroro’nan Dios, ang ’Yong kinaroro’nan Ay aming iniibig. Nariyan ang pagibig at pagasa; D’ya’y may tubig at pagkain Na s’yang tanging pamatid Sa uhaw at gutom ng kaluluwa. Ilang ulit nangatisod Sa alinlanga’t takot, At sa kapighatia’y nanlupaypay. Kahi’t na maraming luha Nang makita ang subok, Kami’y nanalangin nang magtagumpay. Lumambot nawa ang puso, At Ikaw ay pakinggan Nang ’Yong akayin, aming diwa’t budhi. Anupa’t ang buhay namin Na Iyong tinatakan, Ang sa Iyo ay laging magpupuri. Copyright→ © 80. Sa Dako na Matiwasay Sa dako na matiwasay, Puso’y mapayapa; May pahinga sa pagtupad Ng kalooban N’ya. O, ang pahinga ng Dios, Kaytamis sa akin. Pagibig N’ya’y ’di malirip; Tinig N’ya’y aliw sa ’kin. Buhay ko ay natatago Kasama ni Jesus. Susundan ang Kanyang daan; Ako’y Kanyang lubos. Sa gitna ng manga hirap At hapis ng buhay, Tuloy akong kasama N’ya; Ako ay tiwasay. Wala akong katakutan, Puso’y aaliwin. Tiyak akong malapit S’ya; S’ya ay pupurihin. Copyright→ © 81. Dios, Magsalita sa Akin Dios, magsalita sa akin; Ako ang alipin Mo. Ang tinig Mong aliw sa ’kin Ay inaasahan ko. Nakikinig na ako, Ano’ng pagbibilin Mo? Dios, magsalita sa akin; Ikaw ang aking Guro – Ang Gurong maunawain Sa aking diwa’t puso. Pagpalain Mo ako; Kalo’ban Mo’y ituro. Ako’y Iyong ihanda, Dios, Nang ako’y tumalima Na may kagalakang lubos Sa banal Mong salita. Nakikinig sa Iyo, Ako ay alipin Mo. tune→ Ottawa 82. Anak na Ako ng Dios Anak na ako ng Dios, Si Cristo ang tumubos; Sa sala’y nilinisan At ako’y tinatakan. Isusuko kong lubos Ang buong buhay sa Dios. Dios, ako ay tulungan, Arawaraw tanggihan Ang sarili kong daan, At ako’y pagharian; O, Dios, na maibigin Manahan Ka sa akin. Buksan ang pakinig ko Upang makinig sa ’Yo; Ang pagkamasuwayin Sa akin ay pawiin; Banal Mong kalooban Ay aking gagampanan. Ako ay nabihisan Ng Iyong kaamuan. Nang Ika’y dumakila, Ako’y magpakababa. Iyong hubugin ako Sa wangis ng Anak Mo. Copyright→ © tune→ Ajalon 83. Gamitin Mo Ako, O, Dios Magsalita sa akin, Dios, At uulitin ko naman Nang sa buhay Mong salita, Mapatibay ang ’Yong bayan. Akayin Mo ako, O, Dios, Upang ako’y pumatnubay Sa manga nasa karimlan Na sa Iyo’y nawawalay. Turuan Mo ako, O, Dios, Upang ako ay magturo – Ihayag sa bawa’t puso Ang banal na salita Mo. Ako’y Iyong bigyan, O, Dios, Ng Iyong kapayapaan, Upang ako’y makaaliw Sa manga may kahapisan. Gamitin Mo ako, O, Dios, Kahit saan o pa’no man Hanggang sa makabahagi Sa Iyong kal’walhatian. tune→ Mainzer 84. Tinapay ng Buhay Tinapay ng buhay, Dios, ibigay Na pagkain ng kaluluwa ko. Hanap ko’y salita Mong patnubay; Sa salitang buhay, gutom ako. Tinapay ng buhay, Dios, ibigay Upang puso ko’y Iyong busugin. Isip ko’y baguhin, dalisayin; Bawa’t hakbang ko’y Iyong ugitin. Katotohanan Mo, ipahayag Nang utos Mo’y maunawaan ko. Sa ’king paglakad na kasama Mo, Ako ay magiging kawangis Mo. Katotohanan Mo, pagpalain Nang mapatid ang tanikala ko At matubos sa pagkaalipin; Kapayapa’n sa ’Yo’y makamit ko. tune→ Bread of Life 85. Panginoon, sa ’Yong Awa Panginoon, sa ’Yong awa, Sa aki’y magsalita Ka; Kalul’wa ko’y nauuhaw Na tulad sa tuyong lupa. Panginoon, nasa Iyo, Pahinga at pagasa ko; Sapagka’t inaaliw Mo ’Pag may hapis ang puso ko. Magbabala Ka man sa ’kin, Ako’y pinagpapala rin; ’Pagka’t Ikaw na nagtut’wid Ay umiibig din sa ’kin. Pangino’n, linisin ako; Layunin ko’y pagtibayin; Pagalingin, kalul’wa ko – Ako’y muli Mong palaksin. Pangino’n, sakupin ako Sa dakilang kalo’ban Mo; Tumatalimang may galak, Ako ay inaakay Mo. Copyright→ © 86. Ako ay May Alay sa ’Yo Ako ay may alay sa ’Yo, Jesus na Saserdote ko. Dukha man at aba ito, Ito lamang ang kaya ko – Nawa’y makalugod sa ’Yo. Tanggapin Mo, Buhay na alay ko sa ’Yo – Sa ’Yo lamang, Magpakaylankaylan pa man. Ang pinakamabuti Mo, Dahil sa ’ki’y ’binigay Mo; Tiniis Mo ang Calvaryo At ang pagkutya ng tao Nang Ama’y makilala ko. Mula ngayon, ang buhay ko, Gagamitin, ukol sa ’Yo. Lahat, iniaalay ko – Narito sa paanan Mo – Nawa ay samyong mabango. Ang buhay ko’y ’Yong gamitin, Nawawala ay hanapin; Nang galak, madagdagan pa Kapag ang ’Yong manga tupa, Masumpungang isaisa. Copyright→ © 87. Dios, Magsalita sa ’Ming Puso Magsalita sa amin, Dios; Sa ’Yo’y lumalapit. Kami’y sabik na makinig Sa tinig ng langit. Magsalita, O, Dios, Arawaraw sa ’ming puso. O, Dios, magsalita – Makikinig sa ’Yo. Pagpakumbabain, O, Dios, Diwa’t puso namin. Nang dahil sa Iyong lakas, Tagumpay ay amin. Hindi kami masisindak Kung aakayin Mo, At sa daan ng liwanag Ay susunod sa ’Yo. O, Dios, kami’y ’Yong gamitin Sa kaharian Mo. Buhay, aming gugugulin Ayon sa nais Mo. Copyright→ © 88. Nasisiyahan na Ako Nasisiyahan na ako Kay Jesus na Manunubos. Ang aking pusong balisa Ay napayapa nang lubos. Ang awit ng manga awit Ay nasa aking kalul’wa. Buhat sa pagkabihag ko, Ako’y pinalaya na N’ya. Anong tamis ng pagibig At ng pakikisama N’ya. Buhay ko’y Kanyang tahanan – S’ya’y sa akin, sa akin na. Ang puso ko ay naakit Ng dakila N’yang pagibig. S’ya ang tunay kong kanlungan; Ako’y ligtas sa ligalig. Nagagalak kong marinig Marahang tinig N’ya sa ’kin, Nagbibigay katiyakan Na S’ya ay tunay kong angkin. Susundin ko na si Jesus – S’ya ang sakdal, walang sala. S’ya’y gagawin kong uliran Nang ako’y makawangis N’ya. Kung ang lakbayi’y tapos na At sumapit sa hantungan; Anong galak na sa langit, Makita ko S’yang mukhaan. Copyright→ © 89. Tapat ang Dios Tapat makitungo ang Dios Sa manga hinirang N’ya; Sila’y Kanyang sasamahan Sa paglalakbay nila. Panibago t’wing umaga Ang Kanyang manga awa, Kung tayo ay maghihintay Sa harap ng trono N’ya. Tapat ang Dios, magliligtas Sa silo ng kaaway; Tulong ay ibibigay N’ya Nang sila’y magtagumpay. Tapat ang Dios, tutuparin Ang manga pangako N’ya; Sila’y Kanyang iingatan Sa bawa’t hakbang nila. Tapat ang Dios tatawagin Ang hinirang N’yang bayan Sa Kanyang pakikisama, Hanggang sa kalangitan. Copyright→ © composer→ Geo. C. Stebbins tune→ Fully Trusting 90. Kay Mahal ng Salita N’ya Kay mahal ng salita N’ya Sa tapat na puso, At ang manga pangako N’ya Ay ’di nagbabago. Kailangan ko, Magpakababa Upang si Cristo Ay dumakila. Bibigyan ng kasiyahan S’yang mapagkaylangan, At ang walay sa sarili Ay bibiyayaan. Sa panalanging maningas, Pumapailanglang Ang isang samyong mabango – Haing kalulugdan. O, kay yamang paglalaan, Sasa nagbibigay Sa Dios ng buhay n’yang taglay, Upang ’di mamatay. Copyright→ © 91. Sa Pagpapala ni Jesus Sa pagpapala ni Jesus, Bawa’t saglit kay yaman. S’ya’y bukal na umaagos, Dulot ay kaligtasan. S’ya ay palaging kasama, Maningning ang araw N’ya; Nagbabadya ng pagasa Sa libis man ng luha. Sa pagpapala ni Jesus, Bawa’t saglit kay tamis; At sa paghimlay sa Kanya, Hirap ko’y naaalis. Bakit pa manghihimagod, Diwa’y manlulupaypay; Hindi ba S’ya ay nangako, Lakas N’ya’y ibibigay? Kahit ulap ay madalas At daan ko’y marimlan, Sa Kanyang pakikisama, Ako’y may kaaliwan. 92. Puso Nami’y Puspos ng Papuri Jesus, puso nami’y puspos Ng papuri sa Iyo Dahil sa Iyong pagibig At sa Evanghelyo Mo, Sa buhay Mo’t kamatayan At muling pagkabuhay – O, tunay ngang nasa Iyo, Aming pagasang buhay. Ang pakikisamang tunay Na sa ’mi’y nagbibigkis Ay totoong tumitibay At lalong tumatamis. Pagisahin kami sa ’Yo Nang pagibig na ito Na nasa ami’y maghayag, Pagibig namin sa ’Yo. Sa mundo ng kadiliman At pagaalinlangan, Buhay nami’y magliwanag Sa manga nadirimlan. Turuan kaming tulungan, Manga nabibigatan; Magkakasamang maglakbay Tungo sa ’Yong tahanan. Sa ’ming buong paglalakbay, Kami’y Iyong ingatan Na tapat hanggang sumapit Araw na walang hanggan. Mula sa malayong dako, Bayan Mo’y titipunin. Pumarito Ka na, Jesus, Hirang Mo ay angkinin. Copyright→ © composer→ Annie F.Q. Harrison, Arr. A.W.B. 93. Lumapit na Tayo Lumapit na tayo; Ang Dios ay narito, At sa Kanyang Espiritu Ay mapuspos tayo. Lumapit na sa Dios – Ang daan, si Cristo. Handa na ang dakong banal; Manalangin tayo. Lumapit na tayo Upang patawarin. Dahil sa dugo ni Cristo, Tayo’y tatanggapin. Lumapit na tayo Sa Ama’t Kaybigan. S’ya ay ating pupurihin, Pasasalamatan. Copyright→ © 94. Tapat na Buhay ni Jesus Tapat na buhay ni Jesus, Laging pagnilayin mo; Lulunas ito sa lungkot, Palalaksin ’yong puso. Hindi ka pababayaan Ng tanging Hirang ng Dios; Makipagtiis sa Kanya, Putong kamtin mong lubos. Ang sala sa bawa’t anyo, Humahadlang na tunay; Magtapat sa iyong puso, Sundan ang Tagaakay. Ang walang dungis N’yang buhay Ay inihandog sa Dios; Buong galak, inialay, Nakalugod na lubos. Kadiliman, ’yong talikdan, Liwanag ay lakaran; Ang sala, ’yong kapootan, Kat’wiran ay ingatan. Copyright→ © tune→ Precious Saviour 95. Ako’y ’Yong Pakinggan Ako’y ’Yong pakinggan; Pahinga’y nais ko. Sa ’Yo, Jesus, lumalapit; Dinggin Mo’ng samo ko. Ako’y ’Yong pakinggan; May hapis, puso ko. Hanap ko’y kapahingahan Sa paglapit sa ’Yo. Malaon sa ilang Na gumala ako; Tatalikdan ko ang sala At babalik sa ’Yo. Kaydaling lumipas, Manga kalayawan; Ang hanap kong kasiyahan Ay ’di nasumpungan. Laganap ang dilim, H’wag akong bayaan; Taglay ko ay pusong bagbag, O, h’wag Mong tanggihan. Copyright→ © tune→ Dennis 96. Masdan Natin si Jesus Masdan natin si Jesus Na lubhang tinukso; Dahil sa ’tin ipinako, Ang mahal na Cristo. Magtapat katulad N’ya; Daan, h’wag talikdan. Taglayin nati’y layong tapat; Sa Kanya’y manahan. Sa nagiisang daan, Dios ang nangunguna Upang ihayag sa atin Ang pagibig Niya. Panganib ay laganap Sa ating landasin; Kaya’t kay Jesus tumulad Sa pananalangin. Ang pangakong lupain Ay nalalapit na; Tayo ba’y magsisipasok O sasa labas pa? Copyright→ © composer→ A.M.Kelly 97. Pangino’n, Ako’y Ingatan Panginoon, ako ay akayin Hanggang matapos aking lakbayin. Dito’y manlalakbay lamang ako; Kaylangan ko ang pagaakay Mo. Pangino’n, ako’y ingatan ’Pagka’t nais kong manahan sa ’Yo. Kapag malapit Ka, ako’y nagagalak; ’Di ako matatakot ’pag akay Mo. Lumalaganap ang kadiliman Sa daang aking nilalakaran; Ito ang sa aki’y binalak Mo, Nang madama ko, pagaakay Mo. Panginoon, akayin Mo ako Nang ’di magkulang pananalig ko. Tulungan Mo akong magtagumpay; Igawad sa ’kin, ’Yong pagaakay. Copyright→ © composer→ C. Austin Miles 98. Turuan Kaming Manalangin Pangino’n, kaylangan namin Ang Iyong awa; Kami ay nasa sa lagim – Tulungan nawa. Turuan kami Na manalangin, Sapagka’t malakas sila Na laban sa ’min. Kami ay Iyong ihanda Sa pagbabaka; At maging lakas Ka sa ’min Nang ’di manghina. Pangino’n, Iyong ingatan Ang Iyong bayan; Nasa harapan ang silo At ang kalaban. Ang bumubuhay Mong Diwa, Ibuhos sa ’min. Dalangin ng pusong bagbag Ay Iyong dinggin. Copyright→ © tune→ Tell Him All 99. Tigib Ako ng Papuri Tigib ang puso ko ng papuri Sa Dios na S’yang nagbibigay lagi Ng biyayang aking kailangan, Upang magtagumpay sa labanan. Kapahingahan ko ang malaman, May tugon sa lahat kong kaylangan. Sa gitna ng maalab na tukso, Kanyang itinuturo ang pinto Upang pasukan sa pagdalangin, At biyaya ay aking tanggapin. Doo’y pinapawi ang takot ko, Lakas ay pinapagiibayo. Ibig kong mabuhay na matapat; Ihayag na biyaya Mo’y sapat Nang pagasa Yo’y masumpunngan, Nilang manga nangabibiga tan. Buhat sa luha at kahapisan, Tiwala sa Iyo’y matutuhan. Copyright→ © 100. Ako’y Turuang Manalangin Ako’y turuang manalangin; Ito ang aking hinihiling – Jesus, nais kong matutuhan Ang ’Yong daan at kalooban. May bisa ang pananalangin Sa gitna man ng sala’t lagim; Kapangyarihan sa dalangin, O, ibigay Mo nawa sa ’kin. Ako’y turuang manalangin; Ikaw ang huwaran sa akin. Sa ’Yo ako’y may katiyakan; Sa pagdalangin ’Yong turuan. Sa ’Yo, ako ay nabubuhay, At sumasa akin Kang tunay. Ito ang maningas kong samo, Kapangyariha’y igawad Mo. author→ Albert Simpson Reitz composer→ Albert Simpson Reitz 101. Palaging Nananalangin Nananalangin sa diwa Nang tayo’y ’di manghina. Cristo’y makapangyarihan, Naghahari sa tanan. Palaging nananalangin Hinirang N’ya’y diringgin. Mahal nga sa paningin N’ya Ang bawa’t kaluluwa. Nananalanging madalas Nang tayo ay lumakas, Upang matapos ang lakbay Na S’ya ang umaakay. Nananalanging maningas ’Pag malungkot ang oras, Kung nagdidilim ang langit, At gabi’y matahimik. Nananalanging palagi Nang tayo’y manatili Sa takbuhing sinimulan, Hanggang sa katapusan. Copyright→ © tune→ Riverside 102. Kay Sariwa ng Pastulan Kay sariwa ng pastulan Na ukol sa Kanyang kawan, May ilog ng kasiyahan At ligtas sa kaguluhan; Ang Pastor at manga tupa, Doo’y may kapahingahan. Ang Pastor at manga tupa, Samasamang nagsasaya Sa mapayapang pastulan; Ang Dios ay kasama nila. Pumailanglang ang samyo No’ng nanalangin si Jesus. Ibig nating tularan S’ya Sa ating paglapit sa Dios, Nang ang ating panalangin Ay makalugod na lubos. Buhat sa magulong mundo, Lumapit tayo kay Jesus. Ang ating pangangaylangan Ay ibibigay N’yang lubos; Sa Kanyang pagsasalita Galak nati’y nalulubos. Kahirapan ay tiisin, Ito’y hindi kalugihan. Tayo ma’y magpasan ng krus, Kung akay N’ya’y nasis’yahan. Ihayag natin sa lahat, Pagibig N’ya at pangalan. Copyright→ © 103. Ikaw ang Nais ng Puso Ikaw ang nais ng puso; Araw ko may bilang na. Ikaw ang hanap ng diwa; Dinggin Mo ako, Ama. Dios, kung wala Ka sa akin, Lahat ay anong lumbay. O, Ikaw ay magsalita – Ako ay naghihintay. Ikaw ang nais ng puso At aking kagalakan. Itulot Mong makita ko, Ang ’Yong kadakilaan. Linisin ang aking puso, At ilayo sa sala. Ako’y gawin Mong dalisay. Sa akin ay sapat Ka. Ikaw ang nais ng puso, Ang aking kasiyahan. Ang Iyong dakilang gawa, Sa ’kin, ’Yong sinimulan. Itulot Mong taglayin ko Ang Iyong kagandahan. Patnubayan ang buhay ko; Bilang Iyo’y tatakan. Copyright→ © 104. Espiritu, Suma amin Espiritu, suma amin Na tinatakan, Hanggang sa dakilang araw Ng katubusan. O, Dios, linisin Mo kami Nang ang Mangaaliw namin, Ang Banal na Espiritu, Ay suma amin. Espiritu, suma amin, Tulungan kami, At sa Amang maibigin, Ilapit kami. Espiritu, suma amin; Kami’y tanglawan Upang ang mamasdan namin, Si Cristo lamang. O, Banal na Espiritu, Kami’y puspusin; Bunga ang nagpapatunay, Ika’y nasa ’min. Copyright→ © 105. Ang Espiritung Banal Ang Espiritung Banal, Bulong, malumanay; Sa umaga, kay Jesus, Isip ko’y inaakay. Bumango’t manalangin, Tugunin mo’ng samo Nang walang makahadlang; ’Di mahulog sa tukso. Ang Espiritung Banal, Marahan ang saway; Ako’y muling inakay Kay Jesus, S’yang namatay. May tunay na pagsuko Nawa, sa ’king puso; Sa ’ming pagkakasundo, Pagibig N’ya’y matanto. Ang Espiritung Banal, Sa gabi’y may payo, “Ang ’yong kabalisahan, Kay Jesus, ilagak mo.” Kalul’wa, magtiwala Sa pagibig Niya; Sa Haring nasa langit, Lahat ipaubaya. Copyright→ © 106. Ama ang Nakaaalam Ama ang nakaaalam, Tamis isipin – Ang aking ikabubuti, Kanyang gawain. Kalo’ban N’yang pagsamahin, Lungkot at tuwa, At sa lahat ay kita ko Ang pagibig N’ya. Ama ang nakaaalam, Tamis isipin Na ang Kanyang manga anak, Kakandiliin. Maging sa pagluha’t unos At pagkabigo, Siya pa rin ang tiwala At kanlungan ko. O, sa Kanya ay sumunod At magtiwala Nang kamtin ang kasiyahan Buhat sa Ama. Nalalaman kong sa akin, S’ya ang aakay Sa ikatitiwasay ko, Pahingang tunay. 107. Iniibig at Hinirang Iniibig at hinirang Ng Dios, tamis isipin; Sa akin ay naguudyok Na kalo’ban N’ya’y gawin. Magtapat at mahirang N’ya At Kanyang makalugdan – Nawa’y naisin ko ito, Ngayo’t magpakaylan man. Kay tamis na gunitain Nang makilala ko S’ya At ang Kanyang kapayapa’n – Aliw sa ’king kalul’wa. Ang tahanang may pala N’ya Ay may liwanag ng Dios; Arawaraw ay may galak, ’Pagka’t naro’n si Jesus. Copyright→ © tune→ Reapers 108. Tayo ay Tulad sa Bulaklak Tayo ay tulad sa bulaklak, Nalalanta at nalalagas; Ang anino ng kamatayan Ay dumaraan sa ating landas. O, tayo ay naglalakbay At lumalapit sa hantungan. Kay lungkot na kayraming buhay, Sa walang kabuluha’y nasayang! Buhay ay gaya ng anino Sasa libis ng kamatayan; Aliw at pagasa sa mundo – Lahat nito’y walang kabuluhan. Sa panahon ng kabataan, Alalahanin ang Maylalang. Buhay natin ay may hangganan; ’Di maibabalik ang nagdaan. Sa panahon ng kalungkutan, Si Jesus, dapat nating masdan. Nagtiis S’yang may kaamuan, Pagibig ba N’ya’y masasayang lang? Copyright→ © 109. Kaylan Ma’y ’Di Malilimot Kaylan ma’y ’di malilimot No’ng dumating na si Jesus, At buhay ko’y pinuno N’ya Ng tunay na yaman ng Dios. Kaylan ma’y ’di malilimot No’ng tinig N’ya’y narinig ko, “Kung ikaw nga’y alagad Ko, Krus pasanin, sundan Ako.” Kaylan ma’y ’di malilimot Ang pagibig N’ya sa akin. Langit ay Kanyang iniwan, At ako’y Kanyang pinansin. Ngayon ay maliwanag na Ang kalooban N’ya sa ’kin. Ang Kanyang katotohanan, Awit na matamis sa ’kin. Kaylan ma’y ’di malilimot No’ng daan N’ya’y lakaran ko; Bawa’t hakbang ng pagsunod, Nagpabago sa buhay ko. Copyright→ © tune→ Hannah 110. Pag¤ibig ng Manliligtas Pagibig ng Manliligtas, Sapat at hindi kukupas Hanggang ako’y maligtas na At manahang kasama N’ya. Pagibig ang s’yang umakay Sa Kanya hanggang Calvaryo. Dahil sa ’kin, S’ya’y namatay; Pagibig N’ya’y nakita ko. ’Di man dapat ang buhay ko, Sa langit, may laang dako Sa Kanyang manga tinubos; ’Di lilipas galak sa Dios. Nararamtan ng kat’wiran, S’ya’y makikitang mukhaan. Pangalan N’ya’y taglay nila, At tatayong walang sala. Sila’y aaliwin Niya At ito ang awit nila: “Ito’y pagibig na tunay; Dahil sa ’kin, S’ya’y namatay.” Copyright→ © 111. Ibigin Kang Lalo Panginoon, dinggin Mo Ang dalangin ko; Ang pagibig ko sa ’Yo Ay dagdagan Mo. Ikaw na aking buhay, Manahan Ka sa akin; O, higit pang pagibig, Sa ’kin, likhain. Ibigin Kang lalo – Ang pagibig ko sa ’Yo Ay dagdagan Mo. Nilisan Mo ang langit Dahil sa akin Upang buhat sa sala, Ako’y tubusin. Pagibig Mo at dusa, Humipo sa puso ko. Ang pagibig ko sa ’Yo, O, dagdagan Mo. Hanggang sa kamatayan Ay inibig Mo; Buhay kong tinataglay, Handog ko sa ’Yo. Kahit na tiisin ko, Hirap Mo’t kalungkutan; Karangalang taglayin, Ang ’Yong pangalan. Ako ay tinubos Mo Ng Iyong dugo; Pagibig, ’di malirip, Nasa handog Mo. Kinasasabikan Ka Ng puso’t kalul’wa ko; Puspos ng ’Yong pagibig, Iibig sa ’Yo. Copyright→ © 112. Pag¤ibig Ko, Dagdagan Mo Pagibig ko, Cristo, dagdagan Mo; Dinggin Mo ang samo ng puso ko. Maalab kong daing, “Lalo Kang ibigin; Pagibig ko, dagdagan Mo.” Dusa’t sakit, aking sangayunan, ’Pagka’t ito’y Iyong kalooban. Matamis na awit, Aking sinasambit, “Pagibig ko, dagdagan Mo.” Pupurihin kita, aking Cristo, Sa huling sandali ng buhay ko. Ang samo ng puso At ang dalangin ko, “Pagibig ko, dagdagan Mo.” 113. Ituro sa ’Kin ang ’Yong Daan Dios, ituro sa ’kin Ang ’Yong daan. Ako ay akayin At tulungan; Magt’wid ng lakad ko, Manalig sa Iyo. Sa ’ki’y ituro Mo Ang ’Yong daan. ’Pag may kalumbayan Ang puso ko, Sa Iyong paraan, Turuan Mo. Sa ’king kahapisan At sa tagumpay man, Sa ’kin, ang ’Yong daan, Ituro Mo. Kung may alinlangan At may bagyo, Sa ’kin, ang ’Yong daan, Ituro Mo. Sa kapighatian At sa kasakitan, Ang mat’wid Mong daan, Ituro Mo. Habang ako’y buhay, Turuan Mo. Kasiyahang tunay, Nasa Iyo. Hanggang sa marating, Dulo ng lakbayin, Dios, ituro sa ’kin Ang daan Mo. tune→ Camacha 114. Turuan Mo Akong Umibig Turuan Mo ako Na kap’wa’y ibigin Tulad ng pagkaibig Mo Nang una sa akin. Tulungan Mo ako Na pasakop sa ’Yo. Ang katigasan, O, Ama, Sa akin ilayo. Ako’y turuan Mo Na h’wag maging mangmang, At sala’y aking layuan Nang ’di katisuran. O, ako’y tulungan Na magpatawad, Dios; Buhat sa kapalaluan, Linisin Mong lubos. Tulungan Mo ako Na magtapat sa ’Yo Nang gawa at salita ko, Laging kalugdan Mo. Copyright→ © tune→ Trentham 115. Ang Lalong Nais Ko Nais kong makilala Kang higit; Sa pagdalangin, lalong lumapit. Makinig nang lubos sa ’Yong tinig, O, Dios, piliin ko ang ’Yong ibig. Nais kong higit Kang paglingkuran; Panaligan ’Yong kapangyarihan. Kalo’ban Mo’y lalo kong malaman; Pangako Mo’y higit kong panangnan. Nais kong lalong makapiling Mo; Sumamba’t manatili sa Iyo. May kapayapaang mamahinga Sa ’Yong pagliligtas at kalinga. Nais kong matuklasan pang lalo Ang kagandahan sa salita Mo; Nguni’t higit sa lahat, nais ko – Ikaw ay mukhaang makita ko. tune→ Old 124th (abridged) 116. Pag¤ibig ang Watawat Pagibig ang watawat Ng kaharian N’ya. Itaas nating lagi Sa pagbabaka. Kahit na may panganib, Itaas bandila – Pagasa ng lupain, Puri sa Kanya. Pagibig ang watawat Ng kaharian N’ya. Dito’y nakikilala, Tayo’y bayan N’ya – Nagiibigang tunay Na katulad Niya, Binuklod ng pagibig, Nagkakaisa. Layunin ng kaaway, Watawat, sirain; Sa pagibig kay Cristo, Tagumpay, atin, At ang Kanyang biyaya Ay magpapalakas. Iibigin N’ya tayo Hanggang sa wakas. Copyright→ © tune→ Diligence 117. Kumapit Ka sa Anak ng Dios Kapag ang puso mo’y nagagalak, At kalul’wa’y may pagasa, ’Pag nagtagumpay ka’t malapit S’ya, At hanggana’y kitangkita, Kumapit ka sa Anak ng Dios Saan man akayin, At sa banal na pamumuhay, Lakbayi’y tapusin. ’Pag ang puso mo’y nabibigatan, At nanlulupaypay ka na, ’Pag naghahasik kang may pagluha, Pagkatalo’y nakikita, Pakikibaka mo’y matatapos, At magpapasalamat ka Sa pagsubok na nagturo sa ’yo Na pahalagahan, da’n N’ya, Copyright→ © 118. Ang Dios May Yaman sa Langit Ang Dios may yaman sa langit, Kaylan man ’di masukat, Walang hanggang kasiyahan – Cristong mahal N’yang Anak. Ang Dios may yaman sa lupa, ’Dimatarok na galak – Cristong ipinahahayag Ng Kanyang manga anak. Dahil sa sisidlanglupa Na puspos ng biyaya, Sa pusong nangungulila, Suminag ang ilaw N’ya. Sisidlang hamak, nagdala Nang buong kagalakan Ng dakilang kaloob N’ya – Anak N’yang kinalugdan. Sinubok ma’t nabigatan, Tawag N’ya’y mal’walhati; Malinis upang tahanan Ng pagibig N’ya lagi. Hinahamak man sa mundo, Sisidlang dukha’t aba, Taglay ang yaman kay Cristo Na kal’walhatian N’ya. ’Di kilala at mababa, Maging banal, maamo; Sa Dios ay sisidlang handa, Napupuspos ni Cristo. Bagay ng sarili’t lupa, Ilaw nawa’y ’di takpan Nang ihayag na may galak Ang Kanyang kasaysayan. composer→ Annie F.Q. Harrison, Arr. A.W.B. 119. O, Dios, Salamat sa Araw O, Dios, salamat sa araw No’ng lakas ay salat; At una naming natanto, Pagibig Mo’y sapat. Sa manga araw ng hirap, Sa daang maunos, Noong kami ay lumakad Kasama ni Jesus. Salamat, Dios, sa pahinga, Nakamtan kay Cristo. Sa ’ming dapat matutuhan Na kahabagan Mo; Sa ’ming pakikipaglakbay Kasami ni Jesus Tungo sa pakikisama Sa luklukan mo Dios. Galak na ’di madirimlan, Dilim ma’y dumating – Ang Pangino’n, Dios na buhay, Ay aming kapiling. Do’n sa kaluwalhatian Habang sumasamba, Hirap ma’y maalaala, Pupurihin din S’ya. Aming inaalaala No’ng sa pagbabaka, Tubig, dinala N’ya sa ’min, Bayad ay dugo N’ya. Ngayo’y lumalakad kami Sa daan ni Jesus, At aming natututuhan Ang layunin ng Dios. 120. Maglalakbay Kasama ni Jesus Maglalakbay kasama’ng Manunubos ko; Hinanap ako’t nasumpungan N’ya. Ako ay pinatawad nang lubusan, At Kanyang inakay sa daan N’ya. Wala akong kaybigang tulad ni Jesus; Ako’y maglalakbay na kasama N’ya. Kami ay hindi kayang paghiwalayin Ng anuman, sa langit o lupa. Wala akong kaybigang tulad ni Jesus; Dahil sa ’kin, langit, iniwan N’ya Upang sa ngayon at magpakaylan man Ay makigalak ako sa Kanya. Iniibig akong tunay ng Pangino’n. Ang Kanyang kat’wiran at biyaya Ang s’yang magpapagindapat sa akin Na makatahan sa tahanan N’ya. Maglalakbay akong kasama ni Jesus; Kahit na S’ya’y talikdan ng iba. Walang kapantay ang kagandahan N’ya. Ang patnubay ko’y ang pagibig N’ya. Copyright→ © 121. ’Di Ko na Mabawi Dios, layunin ng puso ko, Maging handog ako sa ’Yo. Ang panata ko sa Iyo, ’Di ko na mabawi. Dios, ako’y nangako, Ito’y narinig Mo; Ang panata ko sa Iyo, ’Di ko na mabawi. Tinutugon ko si Jesus, Isinusuko kong lubos Ang buong buhay ko sa Dios; ’Di ko na mabawi. Ang buhay ko’y tanging Kanya. Puso ko ay luklukan N’ya. Ito ay ukol sa Kanya; ’Di ko na mabawi. Magsusumikap nga ako; Biyaya N’ya ang lakas ko. Magdusa man, panata ko, ’Di ko na mabawi. Copyright→ © 122. Kahanga¤hangang Tunay Kahangahangang tunay Ang gawa Mo sa ’kin; Nabago yaring buhay Sa Iyong pagdating ’Pagka’t ang aking lakad Ay itinuwid Mo. “Kalayawan, iwan mo,” Sa ’kin, ang bulong Mo. Ako nawa’y lumakad Na may pusong wagas. Natatanaw ko’ng ganti; Mundo’y lumilipas. Kaaway ng kalul’wa, Sa ’kin, humahadlang Nais n’yang makita ko, Buhay ko’y sayang lang; Nguni’t lalong dakila, Ipinakita Mo – Putong na naghihintay Sa manga hirang Mo. Ingatang maliwanag Ang aking paningin Nang lagi kong makita, Layunin Mo sa ’kin. ’Di ko nawa pansinin, Kalayawan dito; Sa halip na matakot, Dinggin ko’ng tinig Mo. Copyright→ © 123. “Dinaig Ko ang Mundo” “Dinaig ko ang mundo,” Ang wika ni Cristo. Dulot N’ya’y kalayaan, Kung susunod ako. Sa piling ni Cristo, Hindi iwawalay; Inibig N’ya nang lubos, Ako’y Kanyang tunay. Sa dugo ng Pangino’n, Ang aking tiwala; May paglilinis doon, At bagong pagasa. Tulong ko’y pagibig N’ya Sa araw ng hirap. Awit ko ay papuri Sa Kanyang paglingap. Ang umibig kay Jesus Hanggang katapusan, May tagumpay na lubos At kal’walhatian. Copyright→ © tune→ Near the Cross 124. Lalong Mabuting Lupain Lalong mabuting lupain, Ang minimithi natin Manlalakbay lamang dito. Tawag ng Dios ay dinggin; Nais N’yang tayo’y sumunod Sa hakbang ng Pangino’n. Ang pagibig N’yang dalisay, Sa atin ay tutulong. Malimit may kalungkutan Sa pagtahak sa ilang, Nguni’t ating kagalakan Na alam N’ya ang daan. Sa Kanyang manga tiisin, Tayo’y nakikiramay. Pakikisama sa Kanya, Nagdudulot ng buhay. Maging kawangis ni Jesus – Ito’ng ating layunin. Buhay natin ay sa Kanya Kahit na may tiisin. Alam nating kalo’ban N’ya Ang pinakamabuti. ’Pag natapos na ang hirap, May galak at papuri. Copyright→ © 125. Mangyari ang Ayon sa Ibig Mo Sa buhay, minsa’y kalat ang dilim – Mahirap na unawain; Alam kong Ikaw ay tumitingin – May biyaya sa hakbangin. Tulungan Mo ako, O, Dios, Na magpasakop sa Iyo. Mangyari ang ayon sa ibig Mo – ’Di ang ayon sa ibig ko. Pangino’n, ang tulong Mo’y kaylangan Nang it’wid ang aking hakbang. Ako’y patnubayan Mo’t ingatan Nang ’di masinsay sa daan. Ako ay tulungan at gawin Mo, Gaya ng murang pananim; Hutukin Mo sa ’Yong bawa’t hipo Nang Ika’y lagi kong sundin. Tulungan Mong makita ko ngayon Kung paano sa hantungan, At magtutumulin sa hangganan Nang ako’y gantimpalaan. Copyright→ © composer→ Henry P. Morton 126. Hindi sa Mga Tao Hindi sa manga tao, Naglilingkod ako; Kundi sa harap Mo, Dios, Lumalakad ako. Hindi ko pinapansin Ang sabi ng tao; Ang pas’ya Mo ay mat’wid Ukol sa buhay ko. Paglilingkod ko’y sa ’Yo, sa ’Yo Sa lungkot at siphayo, Makinabang o malugi man, Paglilingkod ko’y sa ’Yo. Ang pagibig Mo nawa Ang umugit sa ’kin; Tulad sa Panginoon, Tapat sa layunin. Maging sa kadiliman O sa liwanag man, Ang diwa ko’y bigyan Mo Ng kapahingahan. Puso’y makasalanan, H’wag pagtiwalaan; Hindi kaya ng tao, It’wid kanyang hakbang. Siyang may karunungan, Titingin kay Jesus; Lalakad sa liwanag, Susundan S’yang lubos. Copyright→ © 127. Dios, Lagi, Tulungan Mo Ako H’wag tulutang puso ko ay masidlan Ng ’dikailangang kalungkutan. Kapag ang daan ko ay nadirimlan, Ang pagiingat Mo’y aasahan. O, Dios, lagi, tulungan Mo ako, Na magtiwala sa ’Yo. Sa dambana, sa ikalulugod Mo, Manatili nawa ang buhay ko. H’wag itulot na manghinawa ako Sa pagaalay, buhay ko sa ’Yo. Pagasa ko kay Cristo’y pagtibayin, At h’wag tulutang ito’y yanigin. Kahit sa alabok ako’y mahimbing, Sa pagbalik N’ya ay gigisingin. Copyright→ © tune→ Veglia al Mattino 128. Mapabilang sa Kanyang Bayan Dunong o yaman man ay ’di ko hinangad Upang puri ng tao’y kamtin; Ang nais ng puso, ako’y mapabilang Sa manga tapat N’yang alipin. Ako ay mapabilang sa Kanyang bayan, Sa manga magigiting at matatapat; Ako’y mapabilang, Mapasama sa manga tapat. ’Di ko man bahagi, manguna sa laban, Ako’y sasa dakong kaylangan; Paninindigan ko ang Kanyang kat’wiran, Ako’y magtatapat saan man. Nasisiyahan na kung nalalaman ko Na nalulugod ang Dios sa ’kin; Ako, sa ’king dako, ay mananatili, At susundan S’ya sa lakbayin. 129. May Kapakinabangan May kapakinabangan ang maglingkod Kay Jesus, kung tayo’y tapat sa Kanya. May kapayapaan at kagalakan Ang sinumang maglilingkod sa Kanya. May kapakinabangan ang magtipon Ng yaman sa langit, na ’di kukupas. ’Di nanakawin ang natipon doon, ’Pagka’t kay Jesus ang lahat ay ligtas. May kapakinabangan ang magalay Ng buhay anuman ang kawakasan, At mabuhay ukol sa manga bagay Na ang dulot sa Dios ay kagalakan. May kapakinabangan ang mamatay Sa ’ting kalo’ban, magtiis man ngayon. Ang pagbabalik N’ya’y ’di maglalaon – Nakahanda ba tayong sumalubong? Copyright→ © tune→ Clarendon Street 130. Ibigay, Pinakamainam Mo Ibigay mo sa Pangino’n, Pinakamainam mo. Lakas ng ’yong kabataan, Sa Kanya’y ialay mo. Buhay N’ya ang halimbawa – Magiting at matapat. Buongkaya mo’y ibuhos; Sa Kanya ito’y sapat. Ibigay mo sa Pangino’n, Pinakamainam mo. Suot ang kagayakan N’ya, Laban ay harapin mo. Ibigay mo sa Pangino’n, Pinakamainam mo. Tanging sa Kanya iukol, Paglilingkod at puso. Ang sinisinta N’yang Anak, Sa atin ay kaloob. S’ya ay iyong papurihan; Buhay mo ay ihandog. Ibigay mo sa Pangino’n Ang pinakamainam. Dugo N’ya sa ’yo’y tumubos; Kalangita’y nilisan, Buong buhay inihandog – Kamtin mo’ng kaligtasan. Pagsamba mo at paggalang, S’ya ang ’yong paghandugan. 131. Mahal Ko ang Pastor Nais kong masundan Ang daang patungo Sa Dios at kapayapaan, Ang daan ni Cristo. Mahal ko ang Pastor At ang pagpili N’ya. Ngayon, aking susundin na Ang kalooban N’ya. Nang lipos ng sala, Ako’y nasumpungan; Pinuspos N’ya ang puso ko Ng kapayapaan. Ang buhay ni Jesus Ay tulong sa akin Nang malaman at lakaran Ang Kanyang landasin. Naisukong buhay, Kanyang uugitin; Sa pusong may kababaan, Layon N’ya’y tutupdin. Copyright→ © 132. Kay Inam na May Pagkakaisa Dios, kay inam na ’Yong bayan Ay may pagkakaisa; Tinalian ng pagibig Sa Anak at sa Ama. Yumuyukod kami sa ’Yo, Bigyan Mong kalayaan. Sa pagkakaisang tunay, Puso nami’y basbasan. Habang kami’y sumasamba Na may papuring alay, Dios, kami’y ’Yong pagpalain Ng walang hanggang buhay. Dios, kay inam na ’Yong bayan Ay may pagkakaisa; Magkakalayo man sila, Binigkis ng ’Yong Gawa. Nawa ang Espiritu Mo, Ang magbuklod sa amin, Banayad na nagdudulot Ng kapayapa’n sa ’min. Dios, kay inam na ’Yong bayan Ay may pagkakaisa; Magkatulong hanggang kamtin, Putong na gantimpala. Binubuklod ng pagibig, Sila’y lalapit sa ’Yo Na puso’y naguumapaw Sa pagpupuri sa ’Yo. Copyright→ © 133. “Magkaisa Nawa Sila” “Magkaisa nawa sila,” Ang dalangin ni Jesus Habang S’ya’y kasama nila, Bago namatay sa krus. Nagkakaisa tayo, Kasama’ng Kanyang bayan At S’ya’ng umiibig sa ’tin Sa magpawalang hanggan. “Pagisahin nawa sila Na sa ’Ki’y ’Yong ’binigay.” Kahit sila ay iilan, Maging saksi N’yang tunay. “Silang sasampalataya Sa ’Kin – pagisahin Mo; Dahil dito’y nahahayag Na sinugo Mo Ako.” “Sila’y magkaisa nawa,” Ngayo’y sinasamo N’ya; Nais N’yang makita sila, Buklod sa pagibig N’ya. Copyright→ © 134. Natatago kay Cristo Pangino’n, sa puso ko, May isipang ma tamis – Iyong binigyan ako, Kapayapaang nais. Buhay ko ay tiwasay; Sa ’Yo nakasalalay. Ligtas buhat sa mundo, Kupkop ng Iyong kamay, Tiwasay ang puso ko, ’Pagka’t alam ko’ng buhay Na kasama ni Cristo Ay natatago sa ’Yo. Si Cristo na s’yang buhay At kapayapaan ko, Do’n sa krus ay namatay Upang tubusin ako At makatahan sa ’Yo Na kasama ni Cristo. Copyright→ © tune→ Adoration 135. Tungkol sa Akin, Pag¤iisip Mo Sa maraming pagtitiis Ay may isipang matamis – O, Dios, ang ’Yong pagiisip Ay tungkol sa akin. Dios, tungkol sa akin Ang pagiisip Mo. Hindi ako matatakot ’Pagka’t kasama Mo. Kahit may kabalisahan, Manga tukso at kalaban, Alam ko ang ’Yong isipan Ay tungkol sa akin. Kahit ang aking lakbayin, Maliwanag o madilim, Ako’y nasisiyahan rin Sa pagiisip Mo. 136. Hanggang Wakas, Susunod Sasama ako kay Jesus Kahit may humahadlang; Hindi ako hihiwalay – Susundan ko’y S’ya lamang. Kay Jesus, susunod – Hanggang wakas, susunod. ’Di ko ipagkakanulo Ang aking Panginoon. Pagibig N’ya’y mahal sa ’kin; Ako’y laging susunod. Maglalakbay ako t’wina Na kasama ni Jesus; Hanggang do’n sa kalangitan, Susundan ko S’yang lubos. Ako at ang Panginoon, Lalong pagiisahin; ’Di na ako hihiwalay – S’ya ang tatalimahin. Copyright→ © tune→ Geshem 137. Privilegio Ko’ng Maglingkod Ako ay binigyan ng Dios, Isang katawang lupa; Nais kong isukong lubos Nang maging tahanan N’ya. Privilegio ko’ng maglingkod Na kasama ni Jesus, Katulad ng nangauna Na nagtapat nang lubos. ’Sinusuko ko na’ng lahat; Gagawin ko’ng nais N’ya. Kanyang ikinalulugod, Sa ’kin, nawa’y tupdin N’ya. Aking pinakamabuti, Iaalay sa Kanya. Ang marubdob kong hangarin, Kamtin ang paglingap N’ya. Akin ang makibahagi Sa Kanyang pagkadusta, Sa manga dusa at sakit, At kal’walhatian N’ya. Copyright→ © 138. Puso Ko’y May Pahinga Dios, puso ko’y may pahinga; Magpupuri ako. Natagpuan ko ang bukal Ng pagpapala Mo. Ikaw lang ang nagbibigay, Galak, kasiyahan; Ang tanging dulot ng mundo, Manga kabiguan. Naghahanap ang puso ko Ng tubig ng buhay At yaman sa pagibig Mo – At naritong tunay. Ako’y may bagong awitin Ng papuri sa ’Yo Dahil sa Iyong biyaya Na ’di pa natamo. Magpupuri pa rin sa ’Yo, Mahina man ako, At manga pangangaylangan Ay nadarama ko. Mayro’n akong kagalakan, ’Di pa hayag sa ’kin; Iniingatan Mo ito Alangalang sa ’kin. Puso ko’y nagpapahinga Sa pagkalinga Mo. Ang tinig ng kagalakan Ay naririnig ko; “Ikaw ang aking bahagi,” Awit ng marami. Ang himig ng awit nila Ay mamamalagi. 139. Mga Pusong Kaylangan ng Mundo Nangangaylangan ang mundo, Mapagtiwalang puso Na may mat’wid na hangarin, Sumusunod kay Cristo. Manga pusong magigiting Lubos ang katapatan, Hangad, Dios lang ang purihin, Ibigin, at tularan. Pusong may paninindigan Sa masidhing labanan, ’Di takot sa kamatayan, Dios ang pinakikinggan. Manga pusong matatapat, Madamayin sa kap’wa, Malayo sa pandaraya, Puspos ng pagibig N’ya. Manga pusong, tanging ang Dios, Ang doo’y naghahari, Mamatay man, sumasamo, “Kalo’ban Mo’ng mangyari.” Manga pusong may pagibig Sa nangapapahamak, Sa hindi wagas na puso, Dios ay ’di nagagalak. Pusong isinukong lubos, Katulad ng kay Jesus May galak na makiramay Sa kahirapan ng krus. 140. Ang Tanging Layon Ko Ang tanging layon ko ngayon, Tupdin ang nais ng Ama; Sa daan ay magpatuloy, At sa Kanya’y magpahinga. Buhay ko’y isinusuko Upang Kanyang patnubayan; Kanyang iingatan ito Magpahanggang sa hantungan. Ang daang Kanyang tinahak Upang buhay ay kamtin ko Ay aking susundang lubos; Kalooba’y isusuko. Bakit lakas gugugulin Sa bagay na may hangganan? Si Jesus, tumubos sa ’kin; Sa Kanya’y may kasiyahan. Copyright→ © 141. Bigyan Ako, Pusong Tapat Bigyan ako, pusong tapat, Pusong malambot at bago. Maging tulad nawa sa ’Yo Sa salita at gawa ko. Ang pusong matigas ay Iyong alisin; Sa ’kin ay ibigay, may biyayang puso, Puspos ng unawa, sa awa ay puno Pusong tulad sa ’Yo, bigyan ako. Bigyan ako, pusong laya Na sa sala’y kinalagan. Buhay ko ay ’di man dapat, Espiritu Mo’y manahan. Limutin ko’ng mali, sa ’kin ay ginawa At ipakita ko ang kaamuan Mo. Lumuha man ako, Iyong dalisayin. Pusong tulad sa ’Yo, bigyan ako. Bigyan ako, pusong tapat, Pusong handang magpatawad. Tulong sa nangangaylangan, Sa t’wina’y aking igawad. Nais kong madama, damdamin ng iba; Kaybigan, kaaway, ay aking tulungan. Makiramay ako sa kanilang dusa – Taglay pusong tapat, kahit saan. Copyright→ © author→ Ira Stamphill composer→ Ira Stamphill 142. Mabuhay Ka Alang¤alang sa Iba Nawa ay mabuhay ka Alangalang sa iba. Anak ng Dios, si Cristo, Nabuhay nang ganito. Nawa ang iyong buhay Ay lagi mong gugulin Alangalang sa iba, Nang ika’y pagpalain. Nawa ay mabuhay ka Alangalang sa Kanya Na nabuhay, namatay, Upang iba’y mabuhay. Nawa ay mabuhay ka Ayon sa layunin N’ya, May pusong mapagbigay At maibiging tunay. ’Pag buhay mo’y binawi At sa Dios ay umuwi, O, anong laking galak, ’Pag ganti mo’y tinanggap. 143. Pangino’n, Nalalaman Mo Pangino’n, nalalaman Mo, Aking pangangaylangan. Naghihintay sa harap Mo Upang Ika’y pakinggan, Nawa’y sumangayon ako Sa Iyong kalooban. Sa buhay na salita Mo, Ako’y may kasiyahan. Kalul’wa ko’y nagnanasa Ng Iyong kapuspusan. Tatakan ang aking diwa, At ako’y ’Yong basbasan. Pangino’n, nalalaman Mo, Aking pangangaylangan. Ako’y susunod sa Iyo Sa ’Yong kaliwanagan. Sa manga kahinaan ko, Ako ay ’Yong tulungan; Gawing kawangis ni Cristo, Sa ’Yong kapangyarihan. Pangino’n, nalalaman Mo, Aking pangangaylangan. Ang dalangin ko’y dinggin Mo, At ako’y kaawaan. Ako’y alalahanin Mo Sa Iyong kahabagan. ’Yong biyaya, kaylangan ko Hanggang sa katapusan. Copyright→ © 144. Pasanin Mo ang Iyong Krus “Kung Ako’y iyong susundin, Pasanin mo ang iyong krus At tanggihan ang sarili”, Ang paanyaya ni Jesus. Pasanin mo ang iyong krus, At sa bigat h’wag mangamba; Tutulungan ka ni Jesus – Sapat ang Kanyang biyaya. Pasanin mo ang iyong krus, At h’wag itong ikahiya. Dahil sa ’yo, S’ya’y namatay Upang Kanyang iligtas ka. Pasanin mo ang iyong krus, At sumunod ka kay Jesus. Ikaw ay magtatagumpay Kung tatalima kang lubos. tune→ Hesperus 145. Krus Ko’y Aking Pinapasan Krus ko’y aking pinapasan; Cristo, Ika’y susundan. Hamak, dukha’t binayaan, ’Di kita tatalikdan. Susundan kita, O, Cristo – Dugo Mo’y ibinuhos. Lahat ma’y magtakwil sa ’Yo, Ika’y susundan kong lubos. Inasam ko’y mawala man At lahat kong kinamtan, Ang buhay ko ay kay yaman; Akin ang Dios kaylan man. Iwan man ako ng tao, Sa ’Yo, sasama ako. Tapat Ka’t maaasahan; Walang daya, puso Mo. Pinaguusig man ako, Lalong lalapit sa ’Yo; Buhay ma’y puno ng subok, Pahinga ko’y sa Iyo. tune→ Freetown 146. Puso’y Ingatang Tapat Sa t’wina’y may bulong sa akin Mula sa pangakong lupain, “Ikaw ay kakailanganin Puso’y ingatang tapat.” Panginoon, suma akin Hanggang langit mamasdan; Tumulong sa ’king lakbayin, Puso ko’y ’Yong ingatan. Sa loob ko’y may katakutan, Sa labas ay may humahadlang; Sa kalul’wa’y may katanungan, “Tunay ba ang layon ko?” Lalakad akong may tiwala; Papatnubayan ng pagasa. Pagibig ang magingat nawa Sa puso’t layunin ko. Copyright→ © 147. Buong¤Puso Nawa Kami Buongpuso nawa kami Sa lakbayin ng buhay. Sa tapat na paglilingkod, Aming lakas ay alay. O, tulungan Mo kami, Dios, Maglingkod na matapat – Buongpuso, kusangloob – Hindi sumasalungat. Buongpuso nawa kami Sa pagsuko sa Iyo; Buhay ay inihahandog, Sa ikalulugod Mo. Buongpuso nawa kami Habang nananalangin; Nakikinig sa ’Yong tinig, Ang lahat ay susundin. Walang ibang kasiyahan Kundi maglingkod lagi Na tapat at buongpuso Sa Pangino’n at Hari. Copyright→ © composer→ Grant Colfax Tullar tune→ Vision 148. Puri Ma’y Wala Puri ma’y wala, si Jesus pa rin, Buong kagalakan kong susundin. Sa Espiritu ay magtatanim Upang ang putong ay aking kamtin. Puri ma’y wala, S’ya ma’y wala rin; Bakit ’di ko ito titiisin? Dapat na ako’y magpakababa Upang S’ya naman ay dumakila. Puri ma’y wala, kasama ko S’ya Na humahanap ng pagpapala At luwalhating walangpagkupas Na sino ma’y ’di makapipintas. Puri ma’y wala, hindi kilala, At inuusig dito sa lupa, Ako’y nauunawaan ng Dios – Sa akin ito’y sapat at lubos. Copyright→ © 149. Sa ’King Tiwala sa ’Yo, Dios Sa ’king tiwala sa ’Yo, Dios, Pahinga ko’y lubos; Sapagka’t iniisip Mo, Ikabubuti ko. Balak ko man ay masira, Mithi ko’y mawala, Sa yaman man ako’y salat, Sa Iyo may sapat. Kahit lakas ko’y mawala At puso’y balisa, Dios, sa akin, maghari Ka Nang maging payapa. Bagama’t may pagkabigo, Mabuti rin ito; Sa mundo, ako’y ilayo At ilapit sa ’Yo. Sa pananampalataya, Sa ’Yo’y tatalima. Iyong kamay ang aakay Sa ’king paglalakbay. Nakikinig, Ama, sa ’Yo – Sa ikatut’wid ko; Anong tamis na pahinga, Sa nagtitiwala. 150. Mahal na Tagapagligtas Mahal na Tagapagligtas, Ipagkaloob Mo Ang Iyong kapayapaan, Pawiin ang kalungkutan; Ika’y suma akin, At ako’y akayin. Ikaw ang aking kanlungan Sa unos ng buhay. Ako ay titingin sa ’Yo Nang masdan ko’ng pagibig Mo. Wala nang pangamba, Aking kaluluwa. Sa manga kahapisan ko, ’Pag dumaing sa ’Yo, Ang samo ko’y ’Yong diringgin; Ako’y Iyong aaliwin. Pangangaylangan ko Ay tinutugon Mo. Sa takipsilim ng buhay At ako’y uuwi, Doo’y magagalak ako Kung maririnig ko ito, “Anak, pumasok ka; Ika’y magpahinga.” Copyright→ © tune→ Spencer 151. Pag¤ibig Mo, O, Dios Nawa ang pagibig Mo, Sa aki’y magningas Nang sa Iyo’y manatili; Sa sala’y umiwas. Pagibig Mo, O, Dios, Sa aki’y magningas Upang ako’y ’di maglilo, Masinsay sa landas. Nawa ang pagibig Mo, Magudyok sa akin Upang ang nais Mo lamang; Ang aking susundin. Habang ang pagibig Mo Sa ’kin, nagniningas, Ako ay makikiramay Sa Iyong dinanas. Nawa ay pagisahin Ng Iyong pagibig Ang bayan, Mo sa pagtupad Ng lahat Mong ibig. Copyright→ © tune→ Revival 152. Salita ng Panginoon Salita ng Panginoon – Ginigising ako ngayon, “Sa gitna ng sala’t dilim, Magpuyat ka’t manalangin.” Ang daan N’ya’y, susundan ko Saan man ito tumungo. Ang nais ko ay magtapat Nang sa Kanya’y maging dapat. Pinagbubulaybulay ko Ang pagbabalik ni Cristo Nang tanggapin, manga hirang Na nagsilakad sa daan. Bagama’t may umuuyam Sa Dios at sa Kanyang daan, Ang layunin kong maningas – Magtapat hanggang sa wakas. Ang pagibig Niyang tunay At ang biyaya N’yang alay Ang sa aki’y kakandili Hanggang sa magkita kami. Copyright→ © tune→ Lacrima 153. Ang Landas Bukas Ang landas bukas, ’di natin alam; Tayo’y lalakad lang. Magtitiwala tayo sa Ama; Talos N’ya ang daan. Sa pagibig ay inililingid N’ya Ang nasa hinaharap ’Pagka’t alam N’y’ang ating pasanin Sa arawaraw ay sapat. Sa Kanyang pagibig nananangan, Lumalakad tayo; Lubos ang pananampalataya, Sumusunod tayo. Manga kapanganiban sa daan, ’Di lingid sa Ama, At S’ya ang maglilihis sa atin Sa silo ng sala. Kapag langit natin ay maulap, Dinggin ang wika N’ya, “Lilipas rin ito, may pagasa Na magliwanag pa.” Copyright→ © 154. Cristo’y Nakikilala Ko S’yang sinampalatayanan Ay aking nakikilala. Sa araw ng paghuhukom, Damit ko ay kat’wiran N’ya. Cristo’y nakikilala ko, At ako’y nagtitiwala Na iingatan N’yang lubos, Manga tupa’t kordero N’ya. S’ya’y aking nakikilala; Sa Kanya ang tiwala ko. Kalo’ban N’ya’y tatanggapin Kahit maging aba ako. S’ya’y aking nakikilala; ’Di malirip, pagibig N’ya. Walang sukat at hangganan Ang dakilang biyaya N’ya. S’ya’y aking nakikilala; Wala akong katakkutan Lupa’t langit, lumipas man S’ya ang tunay kong kanlungan. Copyright→ © tune→ Starless Crown 155. Hindi Ko Alam Kung Bakit Hindi ko alam kung bakit Inihayag sa ’kin Ang biyaya’t pagibig N’ya Na umangkin sa ’kin. Nguni’t nakikilala ko S’ya Na aking pinagkatiwalaan; Iingatan N’ya ang lahat Hanggang sa katapusan. ’Di ko alam kung paano Sa Kanyang salita, Ako’y nanampalataya – Puso’y napayapa. ’Di ko alam kung paano Ang Espiritu N’ya Ay lumikha sa puso ko Tiwala sa Kanya. Hindi ko alam kung kaylan Ang pagbabalik N’ya O ang pagtawag N’ya sa ’kin Upang suma Kanya. 156. Ang Sunod Kong Hakbang ’Di ko makita, hinaharap; Hindi sapat lakas ko Nguni’t sa ’Yo nagtitiwala Ng susunod na hakbang ko. O, Jesus, ang sunod kong hakbang, Ingatan Mo sa balak ng Dios. Pagasa’t lakas ko’y nasa ’Yo; Patatagin Mo akong lubos. Ipinangako Mo’y biyaya Na mananaig sa tukso; Laan Mo ay t’yak na paraan Nang makailag sa silo. Nililimot ang kabiguan At makasariling daan, Laging sa harap ang tingin ko – Ikaw lang, aking susundan. Kung sunod kong hakbang, ikubli Ng karimlan at ng bagyo, Akay ng Dios, makalalakad – Itut’wid N’ya ang hakbang ko. tune→ Bellflower 157. Buhay ng Pananaig Buhay ng pananaig At ng pagpupuri, Maging inyong bahagi, Ngayon at palagi. Tagumpay ay binili Sa krus ng Calvaryo. Sala’y ’di maghahari – Malaya na tayo. Nais n’yo bang malaman Lihim ng tagumpay? Tulutan n’yo si Jesus Na magharing tunay. Bagbag n’yong espiritu Na Kanyang binihag, Kasama sa tagumpay ’Pag S’ya ay nahayag. Kahit ang daan ninyo Malibot ng dilim, Ang pangako N’ya’y masdan, Tagumpay ay kamtin. Pananampalataya Ang s’yang umaakay; Inyong makikita’ng Dios, At kayo’y titibay. Pagbabaka’y sisidhi Sa huling panahon, At tatayong matibay Silang sumangayon Na puso nila’y buksan Nang Dios, do’n manahan. Sila’y magtatagumpay Na magpakaylan man. tune→ Heber 158. May Lakas sa Kaamuan May lakas sa kaamuan, pagibig, tiwala, Nagpapatuloy sa daan kahit na mahina. Si Jesus ang umaakay, ilaw N’ya ang tanglaw – Nagliliwanag sa da’n, gabay arawaraw. Ang maningning na ilaw N’ya, dulot ay pagasa. Ang masaganang awa N’ya ang nagpapakita Ng kayamanan sa langit sa buhay na tapat – Nagsisikap maglingkod at gawin ang dapat. Ang lakas ko’y kaloob N’ya, ako ay sagana; Tinapay, tubig na buhay ay nakasisiya. Ibinibigay N’ya ang aking pangangaylangan; Ang pangako N’ya’y tunay at nagpapayaman. Pinahahalagahan ko ang Kanyang pagtawag. Dapat ngang ako’y subukin habang naglalayag. Sa bugso ng manga tukso at sariling nasa, Dinggin, bulong ni Jesus, “O, pumayapa ka.” Copyright→ © 159. Ikaw ay Magsikap Magsumikap ka at magpatuloy Na laging kasama ni Jesus. H’wag kang manlupaypay, ni mapagod Hanggang lakbayin ay matapos. Ikaw ay magsikap, Laging magpagal, manalangin; Puso at buhay mo, Sa dambana’y panatilihin. Magsikap ka’t h’wag magatubili; Lumalaganap na ang dilim. Ligtas ka sa piling ng Pangino’n, Kahit may silo sa lakbayin. Magpatuloy ka at laging sundan Ang manga hakbang ng Pangino’n, At ng manga matapat sa langit Do’n sa walang uhaw at gutom. Palagi kang makipagkaybigan Kay Jesus habang nasa lupa; Sa langit, S’ya’y naghihintay sa ’yo. Walang hanggang purihin mo S’ya. Copyright→ © 160. Maaasahan Ka Ba? Sa ’ting pakikipagbaka Nang dahil sa kat’wiran, Matatapat na alipin, Kanyang kinakaylangan. Matapat ka ba sa Dios At maaring asahan? Maaasahan ka ba? Magtapat ka sa Kanya, At magpakatapang ka Nang maasahan ka N’ya. Tayo ba, tulad sa kawal, Yayaon sa labanan? Taglay ang lakas ni Jesus, Tayo ay lumalaban Sa manga pandaraya, Sala, at kadiliman. Nakikita tayo ng Dios, Tulong sa atin ito; Si Jesus ang nangunguna, Magtatagumpay tayo. Puputungan ang tapat – Umaasa S’ya sa ’yo. composer→ Ira B. Wilson 161. Ang Kagayaka’y Isuot Mo Ang kagayaka’y isuot mo Sa pakikipagtunggali mo. Ang namumuno ay si Cristo; Tuloy sa tagumpay. Nagpupuyat, nananalangin, Nananaig ang dumaraing. Cristo ang iyong dapat sundin Habang may buhay ka. Taglayin mo ang tabak ng Dios, At sumunod sa Kanyang utos; Ang puso mo’y sangayong lubos Upang magtagumpay. Ang turbante ng kaligtasan At baluti ng katuwiran Ay isakbat mong pananggalang – At magtatagumpay. Dalangin ang iyong panyapak, Paniniwala ang kalasag. Ang matapat ay magagalak ’Pagka’t nagtagumpay. Copyright→ © tune→ Invitation 162. Salamat sa Mga Kabataan Salamat sa manga kabataan Na umiibig sa Iyong daan, ’Di pansin ang pangakit ng mundo, At pinipiling paakay sa ’Yo. Pangino’n, sila’y ingatan Sa ’Yong dakilang kapangyarihan. Sa kaharian Mo, tumutulong sila, At inihahasik ang buhay nila. ’Pag naghahari ang pagkatao, Hinahamak ang pagtuturo Mo, At tiwala nila’y sinisira, Ipagsanggalang Mo nawa sila. ’Pag nandaraya ang Manunukso Hinihikayat silang maglilo, Sila’y tulungang mapagkilala Ang malasakit ng Ama nila. Copyright→ © composer→ C. Austin Miles 163. Anong Tamis Anong tamis kung sa sala, Tayo nga ay nawalay na – Sumunod kay Jesus. Anong tamis maging laya Buhat sa ’ting manga nasa – May tiwala sa Dios. Anong tamis masumpungan Sa atin ang kababaan Nang malugod ang Dios. Anong tamis kung makita, Kaamuan sa ’ting gawa At angkop na kilos. Anong tamis kapag suko, Ating lakas pati puso Nang magamit ng Dios. Anong tamis ipasakop, Bawa’t isipang ’di angkop Sa paningin ng Dios. Anong tamis kung ang lakas Ay magugol at sa wakas Ay umuwi sa Dios. Kay tamis pumailanglang Ang diwa sa kalangitan, At manahan sa Dios. tune→ Meribah 164. Aking Ama ang Nagbalak Aking Ama ang nagbalak Sa ’king manga dusa’t galak; Sa subok sa ’king harapan, Biyaya N’ya’y nakalaan. Sa Kanyang kapangyarihan, Ako ay iniingatan, At sa manga humahadlang Ay ipinagsasanggalang. May takot sa aking loob – Kaaway ay kumukubkob; Nguni’t ako’y may tiwala Sa lakas at biyaya N’ya. Kahit ano ang darating, Ako’y sasa Kanyang piling. Ako’y pasasakop t’wina Nang sa aki’y mahayag S’ya. Habang ako’y naririto, Siya nawa ang sundan ko. Kapag tinawag N’ya ako, Kanyang wangis ang taglay ko. 165. Kaytamis na Kapahingahan O, kaytamis na kapahingahan, Paglipas ng manga kabiguan; Kalooban Mo’y s’yang nagtagumpay. Ang layon Mo, tupdin sa ’king buhay. Yaring pahinga’y ibigay sa ’kin; Kapayapaan sa Iyo’y kamtin. O, kaytamis na kapahingahan Kung sa sarili’y may kamatayan; Kay Cristo ay muling mabubuhay Na kalugodlugod at dalisay. O, kaytamis na kapahingahan ’Pag natapos na ang pagpapagal. Tanging sa ’Yo, papuri’y ialay; Ikaw ang may bigay ng tagumpay. O, kaytamis na kapahingahan Sa pagsapit sa huling hantungan; Kasama Mo at ’Yong manga hirang, Ay manahan magpawalang hanggan. Copyright→ © 166. Panginoon, Kung Maunos ang Daan Pangino’n, kung maunos ang daan, Sa pagdalangin, kami’y turuan; Nawa ang Iyo ngang kalooban, Ang mangyari. Kapag ang sala ay humahadlang, At sumisidhi, tukso’t labanan, Tiwala nami’y sa ’Yong kalo’ban. S’yang mangyari. Kahit ang tiisin ay danasin, At ang kabiguan ay dumating, Kalo’ban Mo lang ang nais namin Na mangyari. Paglilinis Mo’y aming kaylangan; Sa paglakad kami’y ’Yong tulungan. Pangino’n, nawa ang ’Yong kalo’ban – S’yang mangyari. Panginoon, ang tapat Mong buhay, Sa ’min ay tulong nang magtagumpay. Kalooban Mo sa aming buhay, Ang mangyari. Copyright→ © 167. Dios, sa ’King Pangangaylangan Dios, sa ’king pangangaylangan, Ako’y ’Yong tulungan Upang sa araw na ito, Magtapat sa Iyo. Alam kong sa ’Yong kalo’ban, Walang kalugihan; Kahit na ang bahagi ko, Hindi ang pili ko. Kung Ikaw ang kasama ko, Panatag na ako. Lahat ma’y laban sa akin, May pahinga pa rin. Dios, daan ko ma’y magdilim, Ako ay akayin; Ikaw ang sumama sa ’kin Hanggang takipsilim. Copyright→ © 168. Sa Batong Dakila Kaysa Akin Panginoon, dinggin Mo ang daing ko; Ako ay bagbag at may tiisin. Akayin Mo nawa akong patungo Sa Batong dakila kaysa akin. Sa gitna ng hapis, ang pangaliw Mo, “May pagasa, muli mong subukin.” Nabigo man, nagtitiwala ako Sa Batong dakila kaysa akin. Ang kataasan, ilayo Mo sa ’kin; Katigasan, nawa ay alisin. Tulungan Mo ako upang hanapin Ang Batong dakila kaysa akin. Kapag ako’y puno ng kalumbayan, ’Di matarok ang Iyong layunin, Nawa, hindi ako magalinlangan Sa Batong dakila kaysa akin. ’Pag ako’y tinuksong ipagkaila Ang Pangino’ng tumubos sa akin, Patatagin ako sa pananalig Sa Batong dakila kaysa akin. 169. O, Ako’y Patnubayan O, Jesus, ang tinuntungan Ng Iyong manga paa, Ang aking susundang lubos Na may lugod at tuwa. O, ako’y patnubayan Sa Iyong tinuntungan Hanggang sa kalangitan. Minamahal ko ang landas At bawa’t karanasan. May galak kong gagampanan Ang Iyong kalooban. Hindi ko natatalastas Ang nasa harapan ko, Nguni’t ako’y aakayin Ng palatuntunan Mo. O, anong tamis isipin Na S’ya ang papatnubay, At ako’y kukupkupin N’ya Hanggang kabilang buhay. Copyright→ © tune→ Jura 170. Panginoon, Akayin Mo Ako Panginoon, akayin Mo ako, Patnubayan. Iligtas Mo ang kaluluwa ko Sa karimlan; ’Pagka’t ako’y totoong mahina, Nguni’t Ikaw ay mapagbiyaya. Panginoon, ako’y ’Yong tulungan At ingatan. Alisin Mo’ng aking katigasan, Kataasan. Kung gagamitin Mo ang buhay ko, Ito’y lubos kong isinusuko. O, Dios, ako’y Iyong subaybayan Gabi’t araw. Sa paglakad ko’y Iyong tanglawan Ng ’Yong ilaw. H’wag Mong itulot, ako’y maligaw Hanggang yaring buhay ay pumanaw. Copyright→ © tune→ Sandon 171. Magtatapat Ako Magtatapat ako sa aking dako; May tiwala ang Ama sa akin Na iingatan ko ang Kanyang yaman – Nawa, hindi ko ito sirain. Magtatapat ako sa aking dako; Ang bayan N’ya’y may tiwala sa ’kin. Katotohanan nawa’y panindigan, Upang hindi ko sila biguin. Magtatapat ako sa aking dako; Naliligaw, may tiwala sa ’kin. Kung hanapin nila ang Manunubos, Daan N’ya nawa’y masumpungan din. Magtatapat ako sa lahatlahat Na sa ’ki’y ipinagkatiwala; Nawa, kaylan ma’y ’di ko S’ya biguin Hanggang makita ko’ng Kanyang mukha. Copyright→ © 172. Ang Buhay, O, Anong Dilim Ang buhay, O, anong dilim Kung si Jesus ’di nabuhay At naghayag ng kalo’ban Ng Dios Ama sa ’ting buhay. Aba ang kaluluwa ko Kung si Jesus ’di namatay. Sa dugo N’yang ibinuhos, Ako’y may pagasang tunay. ’Di ko masundang magisa Ang landas ng kabuhayan Kung puso ko’y ’di ginawa Na sarili N’yang tahanan. Buhay ko’y walang pagasa Kung S’ya’y ’di namamagitan; Ngayo’y lalapit na ako Sa mal’walhating luklukan. Ang mundo’y ’di ko tahanan – Ako’y Kanyang babalikan. Si Cristo ang lahat sa ’kin ’Pag sapit ng kamatayan. Copyright→ © tune→ Hursley 173. Sa Paglakad Kong Kasama ng Dios Nawa sa aking paglakad Na kasama ng Dios, Sundin ko ang Kanyang utos, Pasakop nang lubos. Sa pagsunod sa Pangino’n Ay may kalayaan; Sa pagpigil sa sarili, May kapayapaan. Ang umiibig sa buhay, Mawawalan nito; Mananatiling magisa, Walang bunga rito. Ang paggawa’y nagbibigay Ng kapangyarihan, Upang magtagumpay laban Sa ’king kasamaan. Copyright→ © tune→ Lloyd 174. Manunubos Ko Manunubos ko, aking kaligtasan, Sa ’Yong dugo lang may katubusan. Ang biyaya Mo ay aking kaylangan, Nang pagsuko’y aking matutuhan. Ang sarili ay lubhang humahadlang, Na sa sala, ako’y makalagan. Ipagkaloob Mo ang ’Yong biyaya Upang Ika’y aking paglingkuran. ’Pag wala Ka ay matigas ang puso; Kaylangan ko’ng ’Yong pagibig, awa. Hinihiling ko ang ’Yong Espiritu Nang madama, kapangyarihan N’ya. Nais kong mapuspos ng ’Yong biyaya; Linisin at angkinin, puso ko. Sa ’Yong habag, dugo Mo’y ibinuhos; Nagtagumpay Ka, Iyo na ako. Nawa’y tulungan Mo akong lumakad Na sakdal at walang kapintasan. Magulong kaisipa’y pigilan Mo, Nang l’walhatiin ko, ’Yong pangalan. Copyright→ © 175. Ang Kalugdan ng Dios, Mahalaga Ang kalugdan ng Dios, mahalaga; Mayro’n bang ibang nanaisin pa? Ito nawa’y magudyok sa atin, Sa Kanya’y ihandog, buhay natin. Kinalugdan ng Dios, Kanyang Anak. ’Di S’ya nagkulang sa pagsisikap; Kanyang tinapos ang paglalakbay – Ngayo’y nasa trono, nabubuhay. Nais kong taglayin ang wangis N’ya, Magbata man akong kasama N’ya, Tulad sa manga taong nagtapat Sa pagsusuko sa Dios ng lahat. Ang kalugdan ng Dios, pagpapala; Papuri ng tao’y nawawala. Pagharian Mo ang puso ko, Dios, Nang magtapat katulad ni Jesus. Copyright→ © tune→ Old 124th (abridged) 176. Si Jesus na Manunubos Si Jesus na Manunubos, Sa ati’y nagiwan, Mangaaliw, Tagaakay, At Kanlungan. Laging tapat at matamis, Pakikisama N’ya. Sa pusong may kababaan, Payapa S’ya. Ang tinig N’ya’y nagaalis Ng ating balisa, Bawa’t maling pagiisip, At pangamba. Ang bawa’t tagumpay natin, Ugaling maganda, At manga isipang banal, Tanging Kanya. Iyong kahabagan kami Espiritung banal Sa ’ming kahinaan. Kami’y marapating gawin, ’Yong tahanan. tune→ St. Cuthbert 177. Mapalad ang Walang Dungis Mapalad ang walang dungis, Nasa gitna man ng sala, Lumalakad sa Kanyang da’n, Inaakay ng kamay N’ya. Inilapit sila sa Dios Ng dugo ni CristoJesus. Mapalad ang walang dungis, Kalo’ban N’ya’y iniibig, Buongpusong sumusunod, Dios, S’yang lakas nila’t bisig. Mapalad ang walang dungis, ’Di patatalo sa tukso ’Pagka’t sila’y tumitingin At sumusunod kay Cristo. Mapalad ang walang dungis Na sumasamba sa Kanya, Puso’t pagibig ay wagas, May galak sa biyaya N’ya. Copyright→ © tune→ St. Catherine 178. Ang Isip ni Cristo Ang isip ni Cristo Ay aking kaylangan Nang ang Kanyang manga utos, Aking sangayunan. Espiritung Banal, Patnubayan ako Upang ako’y makawangis Ng Panginoon ko. Ang isip ni Cristo Ay aking kaylangan Nang tupdin kong buongpuso, Kanyang kalooban. Ang isip ni Cristo Ay aking kaylangan Nang lumago sa biyaya At Kanyang kalugdan. Ang isip ni Cristo Ay aking kaylangan Nang malubos sa pagibig At sa kabanalan. Copyright→ © tune→ Leominster 179. Pag¤asa Ko Ay Na Kay Cristo Pagasa ko ay na kay Cristo. S’ya’y aking aliw sa lumbay. Kahit malayo ang lakbayin, Alam kong S’ya ang aakay. Kahit sala’y pumalibot, Puso ko’y ’di matatakot. Si Jesus ang aking kanlungan; May galak ko S’yang susundan. Kamay N’ya ang magsasanggalang Laban sa aking kaaway. Tiwala ko’y sa pangalan N’ya; Tiyak ang aking tagumpay. Kaylan man ay ’di iwawalay, Awa N’ya sa pusong tapat. Alam N’yang tayo’y mahihina; Diwa’t lakas N’ya ay sapat. S’ya’y nananahan sa maamo; Ang payo N’ya’y aliw nila. Sa pusong mayro’ng kababaan, S’ya’y naghaharing may tuwa. Copyright→ © 180. O, Dios, Salamat sa Iyo O, Dios, salamat sa Iyo Dahil sa ’Yong daan At sa ilaw na tumanglaw Sa ’king buhay na narimlan. May tugon, puso ko Sa bawa’t hipo Mo. Ang puso at kalul’wa ko, Nagpupuri sa ’Yo Dahil sa pagpapala Mo At sa Iyong pagtuturo. Nawa’y piliin ko Ang kalooban Mo. Dios, akong makasalanan, Sa ’Yo’y sumasamo. Tulungan Mong daigin ko Ang sarili at sala ko Nang maging malaya Ang aking kalul’wa. Nais kong lakarang tapat, Makitid Mong daan Nang makita sa ’king buhay Ang tunay na kagalakan At ang kasiyahan Na nasa Iyo lang. Copyright→ © tune→ Spencer 181. O, Dios na Naglalaan Pa O, Dios na naglalaan pa Ngayon sa bayan Mo; Umakay sa nangauna Sa daan ding ito. Ngayon ang aming dalangin, Iyo nawang dinggin. O, Dios ng magulang namin, Maging Dios din namin. Hakbangin namin sa buhay, Iyong patnubayan; Kakanin nami’y ibigay, At kami’y ’Yong damtan. Sa aming manga lakbayin, Kami ay ingatan Hanggang sa marating namin Ang Iyong tahanan. tune→ Evan 182. No’ng Ako ay Nasa Dilim No’ng ako ay nasa dilim, ’Di ko kilala ang Dios; Nang tanggapin ko si Jesus, Kasiyahan ko’y lubos. Kay Jesus, kay Jesus, Nasisiyahan ako; Pinapatnubayang lagi Ng Kanyang Espiritu. Si Jesus ang aking Hari, Katotohana’t Daan; Hindi ako hihiwalay – S’ya ang aking susundan. Sa ’king sala’y pinalaya, At ako’y tinubos N’ya; Sa buhay ko arawaraw, Nais kong sundan Siya. Copyright→ © 183. Humawak Kang Matibay kay Jesus Humawak kang matibay kay Jesus, O, kalul’wa; Dapat dumaan ang gabi bago magumaga. Daa’y mahirap, nakatatakot; Tumingala ka, malapit lang S’ya. Nalalaman N’yang lubos ang daan, manalig ka, Masdan mo S’ya; ang iyong pangamba ay alam N’ya. Pagasa’t kaybigan ma’y mawala, O, humawak ka pa rin sa Kanya. Tumalaga, magpakatapang ka, O, kalul’wa, Pagbubukangliwayway, sasapit, umasa ka. Maigsi lamang ang ating buhay; Humawak kang mahigpit sa Kanya. ’Pag ang iyong buhay ay maayos, humawak ka. Panganib ma’y ’di natin mapansin, magtiwala. Sa liwanag at sa kadiliman, Kaylangan natin ang biyaya N’ya. Copyright→ © tune→ Sandon 184. Jesus Kung kita’y Isipin Jesus kung kita’y isipin, Puso’y mapayapa; Nguni’t lalo ang galak ko, Mukha Mo’y makita. Walang awit o salita Na kasusumpungan, Ng higit na katamisan Kaysa ’Yong pangalan. Pagasa Ka’t kaaliwan Sa pusong bagabag, Lakas sa nangatitisod – Sa lahat, may habag. Pagibig Mong anong wagas, ’Di kayang ihayag; Nguni’t sa nakatutuklas, Ito’y maliwanag. Ika’y aking kagalakan, Tanging kagantihan, At kal’walhatian ngayon At magpakaylan man. tune→ St. Agnes 185. Ilalagak Ko kay Jesus Kapag ang aking pasanin, ’Di ko maunawaan, Ilalagak ko kay Jesus, Ang ’di kayang mapasan. Ilalagak ko kay Jesus, Lahat ng ’di ko kaya; ’Pagka’t aking nalalaman, S’ya’y nakauunawa. Malimit, tanong ng tao’y, “Ano ba ang kat’wiran?” Salita’t buhay ni Jesus Ang tanging kasagutan. Minamasdan kong palagi Si Jesus na matapat. Manga bagay nitong mundo, Iiwanan kong lahat. S’ya’y makikita ng lahat – Na buhay, naghahari. Sa Kanya, lahat ng bansa, Luluhod, magpupuri. Copyright→ © composer→ M. J. Babbit 186. Nangako Akong Maging Tapat Nangako akong maging tapat, Maglingkod sa Dios kaylan man; Puso ko’y tunay sa layunin, Daan ko man, may hadlangan. Inihayag ko na ang pagsuko; May tatak N’ya ang tipan ko. Aliw ng lupa’y tinakwil na, Buhay ko ay sa Kanya na. Nangako akong maging tapat, Susundan ko S’ya sa daan; Pagibig N’ya’y iniingatan, Mahal man ay babayaran. Nangako akong maging tapat; Panginoo’y S’yang kaybigan, At ako’y kakapit sa Kanya, Sa libis ng kamatayan. Pangako ko’y ’di magbabago Kahit may sakit at gulo; Mabuting mamatay kay Cristo Kaysa aliw nitong mundo. Copyright→ © 187. Jesus, Ako’y Tulungan Mo Jesus ako’y tulungan Mo Na sumuko sa Iyo; Arawaraw ay lumakad Ayon sa Iyong payo. Jesus, ako’y tulungan Magtapat sa ’Yo lagi; Nawa ang ’Yong kalo’ban, Sa akin ay mangyari. Bawa’t kalaban at hadlang Ay layon kong daigin; Sa tulong ng Espiritu, Ako’y ’Yong palakasin. Kapag sinusubok ako, Jesus, Iyong ingatan; Bigyan Mo ako ng aliw Sa aking kalungkutan. Taglay ang layuning tapat At kapangyarihan Mo, Laban ay haharapin ko Hanggang magwagi ako. Copyright→ © 188. Sandaling Oras na Magpuyat Sandaling oras na magpuyat tayo, Kasama ng ating Panginoon; Upang tayo sa walang hanggang buhay, Kasama N’yang mananahan doon. Kayo’y magpakatapang at magpuyat; Gumising at ayusin ang buhay. Ang Tagapagligtas ay sumasamo; ’Di ba kayo makapaghihintay? Sandaling oras lamang na magtiis, Kasama ng bayan ng Dios dito. Sandaling oras, tapos na ang hirap; Kasama N’ya’y maghahari tayo. Sandaling oras, may manga pagsubok, Pagkatapos ay pahingang tunay. Sandali lang, pagtanggi sa sarili, Pagkatapos, walang hanggang buhay. composer→ Geo. C. Stebbins 189. Samantalahin ang Oras Sandaling oras, pasanin Ang krus at sundin si Cristo; Sa Kanya ay makiramay Hanggang sa mamatay tayo. Lilipas ang buhay natin – Magpuyat at manalangin. Samantalahin ang oras – Maglingkod hanggang sa wakas. Sandaling oras, lumaban Sa manga tukso sa buhay. Si Cristo’y kakampi natin, At tayo’y magtatagumpay. Sandaling oras, ingatan Ang pananampalataya, Sa ikaluluwalhati Ng dakilang pangalan N’ya. Sandaling oras, magtiis Bago umabot sa langit; Makikita S’yang mukhaan, Putong, ating makakamit. Copyright→ © tune→ Higher Ground 190. O, Magpatuloy Ka O, magpatuloy kang kasama ni Jesus; May galak na tumatalima sa Ama. Sa gitna ng sala, dinggin ang tinig N’ya Na nagsasabi, “Pumayapa ka.” “Hindi ka iiwan,” ang wika ni Jesus – S’yang dumanas ng maraming kahirapan, “Ako ay sasama sa iyo palagi Maging sa dilim o liwanag man.” Walang tumutulong, katulad ni Jesus, At magiingat sa ’yo, sa sanlibutan. Ika’y aakayin hanggang manahin mo, Ang ’dikukupas na kayamanan. O, magpatuloy kang kasama ni Jesus Sa dakilang labanang ’yong sinimulan. Nabibilang ka sa manga hinirang N’ya – Laging tapat at maaasahan. Copyright→ © tune→ Nicaea 191. Malapit sa Iyo Jesus, akin Ka kaylan man; Higit pa sa ’king buhay. Ikaw ay kaybigang tunay Sa aking paglalakbay. Malapit sa Iyo, Malapit sa Iyo; Sa buo kong paglalakbay, Paakay nawa sa ’Yo. Sa ’king dalangin, ang samo Ay ’di ang kabantugan Kundi ang Iyong pagsama May manga tiisin man. Malapit sa Iyo, Malapit sa Iyo; Magpapagal na may galak; Samahan Mo lang ako. Sa libis ng kamatayan, Ako’y Iyong samahan; Sa akin ay Iyong buksan, Pinto ng ’Yong tahanan. Malapit sa Iyo, Malapit sa Iyo; Sa walang hanggang tahanan, Patuluyin Mo ako. 192. Bagong Jerusalem Sa bayan ng Bagong Jerusalem, May luklukang mal’walhati. Ang isang gintong putong ng buhay, Ibibigay sa nagwagi. Hanggang Ako’y pumariyan, Magpuyat at magtapat ka. O, ang sinag ng umaga, Lumilitaw, magsikap ka. “Ingatan mong tapat, pangalan Ko. Ang panaho’y malapit na; ’Di magtatagal, bibigyan Kita Ng tunay na gantimpala.” Hanggang sa pagbubukangliwayway, Manatiling saksing tunay Sa patotoo ni JesuCristo – Namatay at nabubuhay. “Ako ay madaling dumarating”. Panghawakan mong matibay Ang pagasa mong nasa kay Cristo – Putong ng pagtatagumpay. Copyright→ © 193. Awit ng Kabanalan O, awitin mo sa akin, Awit ng kabanalan. Bayaan sa sanlibutan, Awit ng saya’t yaman; Nguni’t kay tamis ng awit Ng manga anak ng Dios, Nagpapagalak sa puso, May pagpupuring lubos. Sa pagbubukangliwayway, Sa aki’y awitin mo Ang dakilang awa ng Dios, T’wing umaga ay bago. Sa pagsapit ng tanghali At puso’y nabigatan, Ang kalul’wa ko’y awitan, Dalhin sa dalanginan. O, ako’y iyong awitan Sa pagsapit ng dilim, At ako’y papalapit na Sa dulo ng lakbayin. Sakaling ako’y matakot, Minsan pang iparinig Sa akin ang manga awit, May pangaliw ang himig. O, awitin mo sa akin, Awit ng pagkabuhay. Babalik ang Panginoon; Papawiin ang lumbay. Hindi mabilang na tinig Do’n sa tahanan ng Dios, May ’sang himig, bagong awit – Awit ng Anak ng Dios. Copyright→ © 194. Hanggang Mag¤umaga Dios, ang Iyong bayan, Bigyan Mong biyaya Nang dako’y ingatan Hanggang magumaga. Lingkod Mo’y tulungan Hanapin ’Yong tupa, Bantayan ang kawan Hanggang magumaga. Ang tapat Mong lipi Nawa’y magkaisa, At mangagibigan Hanggang magumaga. Sa ’ming abang buhay, Kinakaylangan Ka, Habang hinihintay Ang bagong umaga. Copyright→ © tune→ Darak 195. Binabautismuhan Sa ngalan ni Jesus, Binabautismuhan; Kanyang daa’y susundan ko Na may kababaan. Sa ngalan ni Jesus, Binabautismuhan; Ang mamatay sa sarili Ay may pakinabang. Sa ngalan ni Jesus, Binabautismuhan; Kanyang ibabangon ako At paghaharian. Sa ngalan ni Jesus, Binabautismuhan; S’ya’y aking paglilingkuran At papupurihan. Copyright→ © tune→ Trentham 196. May Galak kay Cristo May galak kay Cristo, Tinatahak ang da’n, Iniibig ang utos N’ya – Aming sinusundan. Sa ngalan ni Jesus, Binabautismuhan – Inihahayag sa lahat, Kami’y sa Kanya lang. No’ng malayo sa Dios, Kami’y tinawag N’ya; Ngayo’y sumusukong lubos At tumatalima. Sa Kanyang pangalan, Binabautismuhan – Aming pinatutunayan, Na S’ya ang kat’wiran. Inaakay kami Ng kamay ni Jesus; Mundo’y tinatalikuran, Nagsisising lubos. Sa Kanyang pangalan, Binabautismuhan; S’ya nga ang katotohanan – Ang buhay at daan. Copyright→ © tune→ Nearer Home 197. Ikaw ay Karapatdapat Ikaw ay karapatdapat, Jesus na aming Hari, Na S’yang aming paghandugan Ng pinakamabuti. Kung kahirapa’y danasin, O, tulungan Mo kami Upang kami’y magsiawit Ng banal na papuri. Kami’y tinubos Mo, Ng dugo Mo, Cristo Do’n sa krus ng Calvaryo Upang maging Iyo. Ikaw ay karapatdapat, O, Corderong namatay, Na Siyang muling mabuhay Dito sa aming buhay. Sa ’Yo, aming iaalay, Pagibig at papuri; Lagi Kang karapatdapat Sa aming pagl’walhati. Copyright→ © 198. Linisin Mo Ako Linisin Mo ako, O, Cordero; Sa mahal Mong dugo, Hugasan ako. Ang lahat kong batik Ay Iyong pawiin, At sa Iyong anyo, Ako’y hubugin. Linisin Mo ako, O, Cordero; Nang ang aking buhay, Matulad sa ’Yo. Nawa’y ’Yong tulutan, Dugo Mo’y mabuhos Nang pusong masama, Linising lubos. Linisin Mo ako, O, Cordero; Habang may tiwala, Malilinis Mo. Sa ’Yo, bawa’t araw, Ay aking dadalhin – Puso at buhay ko, Nang dalisayin. tune→ Bethany 199. Sa Lahat ng Sala Sa lahat ng sala, Nilinis Mo ako; Ito na nga, Panginoon, Ang Iyong pangako. Ang nagdaang buhay Tinatalikdan ko; Sa krus ay iniaalay Ang buong buhay ko. Takot kong itago, Ang sala ko sa ’Yo. Kataasa’y iniiwan; Magtatapat sa ’Yo. Ako’y tanggapin Mo Sa ’king kalagayan; ’Pagka’t ang ninanais ko, Buhay, kalayaan. Sa aking sarili, ’Di kayang abutin Ang paglilinis Mong laan Na ukol sa akin. Ang Iyong biyaya At kapangyarihan Sapat, na sa bawat oras Ako’y maingatan. tune→ Nearer Home 200. Daan ng Calvaryo Daan ng Calvaryo, Tinahak ni Jesus; Ang buhay ay inihandog Ng Cordero ng Dios. Nagpapasalamat Kami sa tinapay Na buhay N’ya, at sa saro Na dugo N’yang alay. Ang sala ng mundo Ay Kanyang pinasan; Halaga ng katubusan, Kanyang binayaran. Kami’y hinugasan Buhat sa ’ming sala; Bigyan kami ng biyaya Upang ibigin S’ya. Copyright→ © tune→ Leominster 201. Calvaryo’y Inaalaala Dios, kami’y nagkakatipon Dito sa paanan Mo; Calvaryo’y inaala’la Sa tinapay at saro. Inaalaala, Handog N’ya sa Calvaryo; Ang tinapay, katawan N’ya – Ang saro, Kanyang dugo. Sa gabi ng kalungkutan, Nanalanging magisa; Pinawisan S’ya ng dugo Dahil sa aming sala. S’yang inilabas sa bayan, Pasan ang sala namin; Nagbata ng kamatayan Nang langit, aming kamtin. Kay Jesus na S’yang umibig At naglinis sa amin Buhat sa ’ming manga sala – Papuri’y handog namin. Copyright→ © 202. Dios, Buhay Ko’y Siyasatin Dios, buhay ko’y siyasatin, Gawa ko’y suriin Ayon sa Iyong nakita, Ihayag Mo sa ’kin. Siyasatin ang isip ko At manga layunin. Ang narurumhan kong puso Ay Iyong linisin. Siyasatin Mong lubusan Ang buong buhay ko Hanggang aking matutuhan, Magsumamo sa ’Yo. Tulungan Mong malaman ko Ang tungkol sa Iyo At ang Iyong pagibig, Dios, Na nasa kay Cristo. tune→ Abney 203. ’Pag Minamasdan Ko ang Krus ’Pag minamasdan ko ang krus Na Kanyang kinamatayan, Natamo kong kayamanan, Sa akin, kalugihan lang. ’Di ako magmamapuri Maliban sa krus ni Cristo. Alangalang sa dugo N’ya, Tinatanggihan ko’ng mundo. Masdan mo S’ya doon sa krus, Kanyang hapis at pagibig; O, dapat bang pagibig N’ya Ay masuklian ng tinik? Kung akin ang buong mundo, ’Di sapat ialay ito. Handog na dapat sa Kanya, Buong buhay at lahat ko. tune→ Rockingham 204. Panginoon, Ako’y Siyasatin Panginoon, ako’y siyasatin, At yaring puso ko ay tarukin; Gawin Mong dalisay ang puso ko Upang malayang maglingkod sa ’Yo. Panginoon, puso ko’y suriin Sa salita Mo, ako’y subukin. Alamin kung ako’y Iyong tunay; Pagasa’y sa ’Yo nakasalalay. Panginoon, ako ay suriin; Tulad sa ginto ay dalisayin. Ang budhi ko’y Iyong siyasatin, At sa kubling sala ay linisin. Panginoon, sa ’Yong kahabagan, Ako’y akayin sa Iyong daan. Tinig Mo’y aking tatalimahin Hanggang katapusan ng lakbayin. Copyright→ © 205. Tinubos Tayo ni Cristo Tinubos tayo ni Cristo ’Di ng pilak at ginto Kundi ng mahal N’yang dugo – S’ya’ng dakilang Cordero. Si Jesus ang nagligtas, S’yang sa ati’y tumubos. Pagibig na ’di masayod, Inihayag N’ya do’n sa krus. ’Di tinubos na mabuhay Sa walang kabuluhan. Alam N’ya ang kahinaan, At may lakas S’yang laan. ’Di tinubos na mabuhay Sa manga kalayawan. Maigsi lang, ating buhay; Nawa’y Kanyang kalugdan. O, anong dakilang awa – Tayo’y Kanyang tinubos. Walangsalang Anak ng Dios, S’ya’ng ating Manunubos. Copyright→ © 206. Sa Dugo ng Iyong Cordero Dios, sa dugo ng Iyong Cordero, Nilinis Mo ang buhay ko. Buhat sa manga pagkakasala, Linisin Mo ang budhi ko. Kahit nagkasala at narimlan, At kabiguan ay naranasan, Sa pangako Mo ako’y nanangan. Nilinis Mo ang buhay ko. Buhat sa maraming alinlangan, Nilinis Mo ang puso ko. Buhat sa lahat ng katakutan, Nilinis Mo ang loob ko. Kulang man ako sa pangunawa, Paaakay na tulad sa bata. Pagasa ko’y sa Iyong biyaya. Nilinis Mo ang buhay ko. Sa takot sa pagkutya ng tao, Linisin Mo ang isip ko. Sa takot magbigaypatotoo, Linisin Mo ang loob ko. Sa pagibig Mo’y palaksin ako Nang ihayag na ako’y sa Iyo. ’Yong pinatawad, aawit ako – Nilinis Mo ang buhay ko. 207. Wala Ngang Kapakinabangan Wala ngang kapakinabangan, Malibang may kalugihan; Ang binhi upang mamunga, Kaylangang mamatay muna. O, iyong tutulutan ba Na buhay mo’y ’di magbunga? S’yang umiibig sa sarili, Nalulugi nang malaki, At nagkakait sa iba, Kaligtasan ng kalul’wa; Matitiis mo ba sila, Maiwang walang pagasa? ’Pag minamasdan mo’ng bukirin Na nakahandang anihin, Natitiyak mong may buhay, Tulad sa binhi’y namatay; May manga nagpakasakit, Nanalangin, at nanaig. tune→ Stella 208. Aruga Mo’y Kaylangan Ko Aruga Mo’y kaylangan ko; Wala akong makanlungan. Sa Iyo’y may kasiyahan, Tunay na kapahingahan. Biyaya Mo’y kaylangan ko Sa pakikibaka t’wina Upang matumpak ang hakbang, At pasanin ko’y madala. Si Cristo ay kaylangan ko Upang payapain ako, At pigilan ang gawa ko Kung ’di ayon sa nais Mo. Kapatawara’y kaylangan; Kay limit kong sumalansang. Paglilinis ng dugo N’ya Ang aking pagasa lamang. Dukha ma’y nasisiyahan ’Pagka’t Iyong nalalaman At ipinagkakaloob Ang aking pangangaylangan. Copyright→ © tune→ Hursley 209. Magpapatuloy Nga Tayo Magpapatuloy nga tayo Na may galak sa paggawa Ng kalooban ng Ama, Si Jesus ang halimbawa. Magpapatuloy nga tayo Sa paglilingkod sa Kanya. May kalugihan man dito, Tayo ay gagantihan N’ya. Manga tao’y namamatay Sa dilim ng kasalanan; Ilaw ipakita natin, Sulo ng katotohanan. H’wag nga tayong manlupaypay, Magpuyat at manalangin. Yumaon tayo sa mundo, Gumagala’y pauwiin. tune→ Duke Street 210. Ang Tawag Mo Ang tawag Mong narinig noong una, Jesus, muling iparinig sa ’kin. Tawag upang iwan bayan at lipi, Ulitin Mo, “Sumunod ka sa ’Kin.” Tulutan Mong bukirin ay masdan ko – Ang nasa malapit o malayo, At itulot Mong buhay ko’y ihandog Na maghasik o magani sa ’Yo. Jesus, tulungan Mo akong makita Ang karamihang tulad sa tupa Na nangangalat at walang aruga; Namatay Ka dahil sa kanila. Hipuin Mo ang puso ko ng awa; Nawa’y umibig akong tulad Mo. Marubdob kong layuni’y pagalabin Nang nawala’y akayin ko sa ’Yo. Nawa’y ’di ako manlamig, Pangino’n; Kundi, ako’y sumipag, sumigla, At Pangino’n, sa Iyong pagbabalik, Ako’y datnan Mong nagpapagal pa. Copyright→ © 211. Inudyukan ng Pag¤ibig Narinig ko, tawag ng Dios; Haharapin ’di ko man talos, Ito’ng tugon ng puso ko, “O, Dios, suguin Mo ako.” Inudyukan ng pagibig, Ako ay muling yayaon; Sa puso ko’y nagaalab Ang pagibig sa Pangino’n. Naririnig ko ang daing Nilang manga nasa dilim; Muli, ito ang tugon ko, “O, Dios, suguin Mo ako.” Maraming nangangaylangan; Ako’y walang alinlangan Na tutugon sa tawag Mo, “Pangino’n, narito ako.” Tataglayin ko’ng ngalan N’ya Bilang tugon sa awa N’ya. Cristo’y aking tutularan – S’yang walang hanggang uliran. Copyright→ © composer→ Elizabeth Pate 212. Lumalalim Pang Lalo ang Gabi Lumalalim pang lalo ang gabi; Sa piling ko, Dios, ay lumagi Ka. Mawala man ang tulong ng iba, Hanggang sa wakas, suma akin Ka. Kay bilis lumipas, manga araw. Napaparam ang puri at tuwa; Lahat ng bagay ay nagiiba. O, ’Dinagmamaliw, manahan Ka. Bawa’t saglit ay kailangan ko, Biyaya Mong daraig sa tukso; Sino’ng maaasahang tulad Mo? Dios, sa t’wina, akbayan Mo ako. Wala akong takot, kung akay Mo. Kahit may luha at kasakitan, Magtatagumpay sa kamatayan Kung ako ay Iyong sasamahan. tune→ Eventide 213. Sa Dios, Ako ay Nag¤iisa Sa manga unos ng pagsubok Na darating sa buhay ko At sa manga kabagabagan, Si Cristo ang kanlungan ko. Sa Dios, ako, ay nagiisa; O, kay tamis na pahinga. Sa Kanya’y may pakikisama; Pagibig N’ya’y nadarama. Madilim man ang karanasan, Malinaw kong nakikita Ang sinag ng bagong pagasa Sa banal na kalo’ban N’ya. Kay Jesus ay nasusumpungan Ang bukal ng bagong lakas; Habang kami ay magkasama, Ang ganda N’ya’y namamalas. ’Pag sa akin ay sumapit na Ang pagpanaw ko sa mundo At pagkatawid ko ng ilog, Sasa Kanyang piling ako. 214. Sa Panahong Madilim Sa panahong madilim, Lumalapit ang Dios Upang magbigaypayo, Umaliw nang lubos. Tayo’y iwinawasto Sa kahabagan N’ya; Tu matamis pang lalo, Pakikisama N’ya. H’wag tayong mangatakot Sa kinabukasan; Pagibig ang nagbalak Bawa’t karanasan. Sa pagsampalataya, Kahit kamatayan At pagkatakot dito, Pinagtagumpayan. Kalul’wa, magpatuloy, Langit ang mithiin. Gawa ng Dios sa iba, Sa ’yo’y gagawin din. Pagibig, nagbibigay Ng pagtatagumpay. Matatamo kay Cristo, Walang hanggang buhay. Copyright→ © tune→ Rutherford 215. Maaalaala Katulad ng manga tala ang buhay – Naglalaho sa bukangliwayway. ’Pag ating pagpapagal ay tapos na, Tanging gawa ang maaalala. Maaalala, maaalala, Maaalala sa ating gawa. Ganyan ang ating paglisan lupa; Maaalala lang sa ’ting gawa. Tayo kaya’y hanapin kung wala na, At bukid inaani ng iba? Oo, manghahasik man ay lilisan, Inihasik lang ang maiiwan. Ang katotohanan sa buhay natin At ang binhing ating itinanim – Bunga nito ang maaalaala, Bagama’t tayo’y nalimutan na. ’Pag tinipon ng Dios, manga hiyas N’ya, At putong ay tanggapin na nila, Sa oras na yao’y maaala’la, Gawang tapat ng manga lingkod N’ya. 216. Yumao na Upang Magpahinga Yumao na upang s’ya’y magpahinga – Ito’y kalo’ban ng ating Ama; Sa langit ay ligtas na’t mapayapa, Wala ng kalungkutan at luha. May ganting higit sa inaasahan – Galak sa langit na naghihintay Sa tagapagmana ng kaligtasan Na sa lupa’y sinubok na tunay. Tinawag na upang s’ya’y magpahinga At si Jesus makitang mukhaan. Do’n, kamatayan ay ’di nananaig; Manga anghel ay nagaawitan. Ang tinig Mo ay umaaliw sa ’min, Dios, Ikaw ang kagalakan namin; ’Pag puspos ng lumbay ang aming puso, Nadaramang malapit Ka sa ’min. Copyright→ © 217. Lalong Malapit sa ’Yong Puso Lalong malapit sa ’Yong puso – Ako’y ilapit, mahal na Cristo, At alalayan sa dibdib Mo; Sa pagibig, kanlungan Mo ako. Sa pagibig, kanlungan Mo ako. Paglapit nawa’y makalugod, Kahit wala akong maihandog Kundi pusong makasalanan; Sa dugo Mo, ako ay hugasan. Sa dugo Mo, ako ay hugasan. Lumalapit, Dios, ako’y sa ’Yo; Sariling daan, iniiwan ko – Kataasan, maling layunin; Si Jesus lang ang ibigay sa ’kin. Si Jesus lang ang ibigay sa ’kin. Lumalapit, Dios, nang ilagay Ang aking lahat sa Iyong kamay; Lumalapit na sa tahanan Ng aking Dios at sa kaharian – Ako’y sa ’Yo magpakailan man. tune→ Nearer 218. ’Pag Sumapit Na Ang Kamatayan ’Pag sumapit na ang kamatayan, ’Di ko ito katatakutan; Kung si Jesus ang aking kaakbay, Paglakad ko’y may katiyakan. Kahit palibot ko ay marimlan, S’ya ang ilaw na nagniningning; S’ya’ng tumatanglaw sa aking daan Hanggang matapos ang lakbayin. Si Jesus lamang ang patnubay ko; Dinaig N’ya ang kamatayan At pinasan ang kasalanan ko. S’ya lang ang aking kaligtasan. Sa pagkabuhay na mal’walhati, Ako’y babangong kasama N’ya. S’ya’y buongpuso kong pupurihin; Kalul’wa ko’y pinalaya N’ya. Copyright→ © composer→ Virgil P. Brock and Blanche Kerr Brock 223. Precious Gold Precious gold must have its fiery trial, Clouds must bring the blessing of the rain, Diamonds owe their light to cruel pressure, Life is ushered in by death and pain. And my life that Thou didst take to Thee Worthless and formless as clay, Needeth well to know the fiery trial, Just to stand approved on that Great Day. Ore of earth, the vessel of the finer, Learns to bless the crucible and flame. Freed by fire the weak and earthbound vapor Rises to the sky from whence it came. Thou must work a work and who can hinder, Thou dost let, and who can stay Thy hand. Wiser, better, truer, for Thy dealings, Best for me is all Thy heart has planned. Titles, First Lines, and Chorus 164 Aking Ama ang Nagbalak (title) 164 Aking Ama ang nagbalak (first) 46 Aking kinakailangan, (first) 137 Ako ay binigyan ng Dios, (first) 128 Ako ay mapabilang sa Kanyang bayan, (chorus) 86 Ako ay May Alay sa ’Yo (title) 86 Ako ay may alay sa ’Yo, (first) 6 Ako Kaya ang Dahilan? (title) 122 Ako nawa’y lumakad (chorus) 36 Ako Noo’y Malungkot (title) 36 Ako noo’y malungkot, (first) 11 Ako’y May Kaibigang Tunay (title) 11 Ako’y may Kaibigang tunay, (first) 100 Ako’y Turuang Manalangin (title) 100 Ako’y turuang manalangin; (first) 95 Ako’y ’Yong Pakinggan (title) 95 Ako’y ’Yong pakinggan; (first) 106 Ama ang Nakaaalam (title) 106 Ama ang nakaaalam, (first) 82 Anak na Ako ng Dios (title) 82 Anak na ako ng Dios, (first) 32 Anak N’yang Alibugha (title) 223 And my life that Thou didst take to Thee (chorus) 52 Ang buhay ay katulad (first) 172 Ang Buhay, O, Anong Dilim (title) 172 Ang buhay, O, anong dilim (first) 152 Ang daan N’ya’y, susundan ko (chorus) 33 Ang Dios ay nagaanyaya (first) 118 Ang Dios May Yaman sa Langit (title) 118 Ang Dios may yaman sa langit, (first) 105 Ang Espiritung Banal (title) 105 Ang Espiritung Banal, (first) 178 Ang Isip ni Cristo (title) 178 Ang isip ni Cristo (first) 161 Ang Kagayaka’y Isuot Mo (title) 161 Ang kagayaka’y isuot mo (first) 175 Ang Kalugdan ng Dios, Mahalaga (title) 175 Ang kalugdan ng Dios, mahalaga; (first) 27 Ang Kanyang pagibig (chorus) 1 Ang Kasaysayan ni Jesus (title) 1 Ang kasaysayan ni Jesus, (chorus) 1 Ang kasaysayan ni Jesus, (first) 18 Ang lahat ay nagbabago, hindi si Cristo; (chorus) 115 Ang Lalong Nais Ko (title) 153 Ang Landas Bukas (title) 153 Ang landas bukas, ’di natin alam; (first) 6 Ang mal’walhati N’yang trono, (first) 74 Ang Matamis Mong Kalooban (title) 16 Ang Pagliligtas ng Dios (title) 102 Ang Pastor at manga tupa, (chorus) 156 Ang Sunod Kong Hakbang (title) 140 Ang Tanging Layon Ko (title) 140 Ang tanging layon ko ngayon, (first) 210 Ang Tawag Mo (title) 210 Ang tawag Mong narinig noong una, (first) 45 Ang Tinig ng Pastor (title) 45 Ang tinig ng Pastor, (first) 43 Ang tinig ng Pastor ay tumatawag; (first) 48 Anong Bilis na Dumaan ang Buhay (title) 59 Ano’ng pakinabang (chorus) 163 Anong Tamis (title) 163 Anong tamis kung sa sala, (first) 88 Anong tamis ng pagibig (chorus) 208 Aruga Mo’y Kaylangan Ko (title) 208 Aruga Mo’y kaylangan ko; (first) 5 Ating Minamahal ang Da’n (title) 5 Ating minamahal ang da’n (first) 193 Awit ng Kabanalan (title) 192 Bagong Jerusalem (title) 64 Bakit Aking Lalakaran? (title) 64 Bakit aking lalakaran (first) 63 Bakit ’Di Isusuko ang Buhay Mo? (title) 63 Bakit, di mo (chorus) 18 Balita ng Evanghelyo, kaytamis nito – (first) 50 Bawa’t oras ay ginto – (chorus) 141 Bigyan Ako, Pusong Tapat (title) 141 Bigyan ako, pusong tapat, (first) 195 Binabautismuhan (title) 140 Buhay ko’y isinusuko (chorus) 59 Buhay na Ukol sa Lupa (title) 59 Buhay na ukol sa lupa, (first) 47 Buhay na Walang Cristo (title) 157 Buhay ng Pananaig (title) 157 Buhay ng pananaig (first) 38 Bumili ng gintong tunay (chorus) 73 Bumukod Kayo at Magpahinga (title) 73 Bumukod kayo at magpahinga; (first) 30 Buong buhay ay humingal (first) 147 Buongpuso nawa kami (first) 147 Buong¤Puso Nawa Kami (title) 201 Calvaryo’y Inaalaala (title) 154 Cristo’y Nakikilala Ko (title) 154 Cristo’y nakikilala ko, (chorus) 200 Daan ng Calvaryo (title) 200 Daan ng Calvaryo, (first) 8 Dalisay ang Salita (title) 8 Dalisay ang salita ng Pangino’n; (first) 46 ’Di ako matatakot – (chorus) 156 ’Di ko makita, hinaharap; (first) 121 ’Di Ko na Mabawi (title) 40 ’Di Magtatagal ang Buhay (title) 40 ’Di magtatagal ang buhay, (chorus) 123 “Dinaig Ko ang Mundo” (title) 123 “Dinaig ko ang mundo,” (first) 35 Dinggin, dinggin, (chorus) 35 Dinggin Mo’ng Tinig ni Jesus (title) 35 Dinggin mo’ng tinig ni Jesus; (first) 52 Dinggin Mo, sa Oras (title) 52 Dinggin mo, sa oras, (chorus) 121 Dios, ako’y nangako, (chorus) 194 Dios, ang Iyong bayan, (first) 79 Dios, ang ’Yong Kinaroro’nan (title) 79 Dios, ang ’Yong kinaroro’nan (first) 202 Dios, Buhay Ko’y Siyasatin (title) 202 Dios, buhay ko’y siyasatin, (first) 113 Dios, ituro sa ’kin (first) 201 Dios, kami’y nagkakatipon (first) 72 Dios, kami’y ’Yong aliwin, (chorus) 132 Dios, kay inam na ’Yong bayan (first) 127 Dios, Lagi, Tulungan Mo Ako (title) 121 Dios, layunin ng puso ko, (first) 81 Dios, Magsalita sa Akin (title) 81 Dios, magsalita sa akin; (first) 87 Dios, Magsalita sa ’Ming Puso (title) 74 Dios, matamis Mong kalo’ban, (first) 138 Dios, puso ko’y may pahinga; (first) 206 Dios, sa dugo ng Iyong Cordero, (first) 167 Dios, sa ’King Pangangaylangan (title) 167 Dios, sa ’king pangangaylangan, (first) 135 Dios, tungkol sa akin (chorus) 21 Dumaraan si Jesus (title) 21 Dumaraan si Jesus (chorus) 128 Dunong o yaman man ay ’di ko hinangad (first) 178 Espiritung Banal, (chorus) 104 Espiritu, Suma amin (title) 104 Espiritu, suma amin (first) 83 Gamitin Mo Ako, O, Dios (title) 36 Ga’nong galak ng loob – (chorus) 41 Habang araw ay dumaraan (first) 60 Habang ikaw ay may buhay, (chorus) 132 Habang kami’y sumasamba (chorus) 42 “Halika na, lumapit ka; (chorus) 192 Hanggang Ako’y pumariyan, (chorus) 194 Hanggang Mag¤umaga (title) 136 Hanggang Wakas, Susunod (title) 94 Hindi ka pababayaan (chorus) 155 Hindi Ko Alam Kung Bakit (title) 155 Hindi ko alam kung bakit (first) 126 Hindi sa manga tao, (first) 126 Hindi sa Mga Tao (title) 183 Humawak Kang Matibay kay Jesus (title) 183 Humawak kang matibay kay Jesus, O, kalul’wa; (first) 53 H’wag Labanan ang Espiritu (title) 53 H’wag mong labanan ang Espiritu; (first) 53 H’wag mong sadyain, (chorus) 23 H’wag nga Kayong Mangatakot (title) 23 H’wag nga kayong mangatakot; (chorus) 23 H’wag nga kayong mangatakot – (first) 127 H’wag tulutang puso ko ay masidlan (first) 130 Ibigay mo sa Pangino’n, (chorus) 130 Ibigay mo sa Pangino’n, (first) 130 Ibigay, Pinakamainam Mo (title) 111 Ibigin Kang Lalo (title) 111 Ibigin Kang lalo – (chorus) 15 Ihasik Mo, Salita N’ya (title) 15 Ihasik mo, salita N’ya – (chorus) 57 Iisa ang Buhay (title) 57 Iisa ang buhay – (chorus) 103 Ikaw ang Nais ng Puso (title) 103 Ikaw ang nais ng puso; (first) 54 Ikaw ay dadalhin ng Dios (first) 197 Ikaw ay Karapatdapat (title) 197 Ikaw ay karapatdapat, (first) 159 Ikaw ay Magsikap (title) 159 Ikaw ay magsikap, (chorus) 54 Ika’y Dadalhin sa Paghuhukom (title) 185 Ilalagak Ko kay Jesus (title) 185 Ilalagak ko kay Jesus, (chorus) 201 Inaalaala, (chorus) 32 Inaksaya ko ang mana; (first) 77 Ingatan Mo kami sa da’n (chorus) 186 Inihayag ko na ang pagsuko; (chorus) 107 Iniibig at Hinirang (title) 107 Iniibig at hinirang (first) 28 Iniibig ng puso ko (first) 177 Inilapit sila sa Dios (chorus) 211 Inudyukan ng pagibig, (chorus) 211 Inudyukan ng Pag¤ibig (title) 57 Isa lamang ang buhay dito, (first) 50 Isang ’Di¤Makitang Templo (title) 29 Isinugo ng Dios ang Anak N’ya (title) 29 Isinugo ng Dios ang anak N’ya (first) 16 Ito ang pagliligtas ng Dios, (chorus) 113 Ituro sa ’Kin ang ’Yong Daan (title) 191 Jesus, akin Ka kaylan man; (first) 187 Jesus, ako’y tulungan (chorus) 187 Jesus, Ako’y Tulungan Mo (title) 187 Jesus ako’y tulungan Mo (first) 55 Jesus, Ako’y ’Yong Turuan (title) 55 Jesus, ako’y ’Yong turuan, (chorus) 55 Jesus, ako’y ’Yong turuan (first) 184 Jesus Kung kita’y Isipin (title) 184 Jesus kung kita’y isipin, (first) 92 Jesus, puso nami’y puspos (first) 67 Jesus, sa Iyo ang Aking Tiwala (title) 122 Kahangahangang tunay (first) 122 Kahanga¤hangang Tunay (title) 179 Kahit sala’y pumalibot, (chorus) 90 Kailangan ko, (chorus) 143 Kalul’wa ko’y nagnanasa (chorus) 72 Kami ay nagkakatipon (first) 197 Kami’y tinubos Mo, (chorus) 185 Kapag ang aking pasanin, (first) 117 Kapag ang puso mo’y nagagalak, (first) 32 Kasalanang ’di mabilang (chorus) 215 Katulad ng manga tala ang buhay – (first) 48 Kay bilis, ’Yong padaraan (first) 132 Kay Inam na May Pagkakaisa (title) 5 Kay Jesus ay natagpuan, (chorus) 182 Kay Jesus, kay Jesus, (chorus) 136 Kay Jesus, susunod – (chorus) 109 Kaylan Ma’y ’Di Malilimot (title) 109 Kaylan ma’y ’di malilimot (chorus) 109 Kaylan ma’y ’di malilimot (first) 66 Kaylapit Mo sa Kaharian (title) 66 Kaylapit mo sa kaharian; (first) 90 Kay Mahal ng Salita N’ya (title) 90 Kay mahal ng salita N’ya (first) 9 Kayo ngang nagsisigunita (first) 188 Kayo’y magpakatapang at magpuyat; (chorus) 102 Kay Sariwa ng Pastulan (title) 102 Kay sariwa ng pastulan (first) 165 Kaytamis na Kapahingahan (title) 40 Kay tamis na maalaman (first) 46 Kinakailangan Ko si Jesus (title) 145 Krus Ko’y Aking Pinapasan (title) 145 Krus ko’y aking pinapasan; (first) 117 Kumapit Ka sa Anak ng Dios (title) 117 Kumapit ka sa Anak ng Dios (chorus) 12 Kung aking lahat ang manga bagay (first) 12 Kung Aking Lahat ang Mga Bagay (title) 144 “Kung Ako’y iyong susundin, (first) 41 Kung batid lang ang wakas ng buhay, (chorus) 41 Kung Batid Natin, Wakas ng Buhay – (title) 26 Kung nais mong makasama (first) 47 Kung walang Tagapagligtas (chorus) 16 Laging gawain ng Dios na iligtas (first) 124 Lalong Mabuting Lupain (title) 124 Lalong mabuting lupain, (first) 3 Lalong makilala (chorus) 3 Lalong Makilala si Cristo (title) 217 Lalong Malapit sa ’Yong Puso (title) 217 Lalong malapit sa ’Yong puso – (first) 189 Lilipas ang buhay natin – (chorus) 198 Linisin Mo Ako (title) 198 Linisin Mo ako, (first) 212 Lumalalim Pang Lalo ang Gabi (title) 212 Lumalalim pang lalo ang gabi; (first) 42 “Lumapit Ka,” Anyaya ni Jesus (title) 42 “Lumapit ka,” anyaya ni Jesus, (first) 49 Lumapit ka ngayon; (chorus) 93 Lumapit na sa Dios – (chorus) 93 Lumapit na Tayo (title) 93 Lumapit na tayo; (first) 215 Maaalaala (title) 215 Maaalala, maaalala, (chorus) 160 Maaasahan Ka Ba? (title) 160 Maaasahan ka ba? (chorus) 47 Maari kayang mabuhay (first) 142 Mabuhay Ka Alang¤alang sa Iba (title) 31 Magisang gumagala (first) 133 “Magkaisa Nawa Sila” (title) 133 “Magkaisa nawa sila,” (first) 120 Maglalakbay kasama’ng Manunubos ko; (first) 120 Maglalakbay Kasama ni Jesus (title) 209 Magpapatuloy Nga Tayo (title) 209 Magpapatuloy nga tayo (first) 87 Magsalita, O, Dios, (chorus) 4 Magsalita, O, Jesus (title) 4 Magsalita, O, Jesus, (first) 83 Magsalita sa akin, Dios, (first) 87 Magsalita sa amin, Dios; (first) 159 Magsumikap ka at magpatuloy (first) 107 Magtapat at mahirang N’ya (chorus) 96 Magtapat katulad N’ya; (chorus) 171 Magtatapat Ako (title) 171 Magtatapat ako sa aking dako; (first) 33 Mahalaga ang Kaligtasan (title) 8 Mahalaga kaysa pilak at ginto, (chorus) 131 Mahal Ko ang Pastor (title) 131 Mahal ko ang Pastor (chorus) 150 Mahal na Tagapagligtas (title) 150 Mahal na Tagapagligtas, (first) 78 Mahihina kami, O, Dios, (chorus) 191 Malapit sa Iyo (title) 62 Malumanay ang pagtawag ni Jesus (first) 125 Mangyari ang Ayon sa Ibig Mo (title) 39 Mangyari, Dios, ang Kalo’ban Mo (title) 39 Mangyari, Dios, ang kalo’ban Mo – (first) 174 Manunubos Ko (title) 174 Manunubos ko, aking kaligtasan, (first) 128 Mapabilang sa Kanyang Bayan (title) 177 Mapalad ang Walang Dungis (title) 177 Mapalad ang walang dungis, (first) 49 Marahan ang Kanyang Tinig (title) 49 Marahan ang Kanyang tinig, (first) 96 Masdan Natin si Jesus (title) 96 Masdan natin si Jesus (first) 196 May Galak kay Cristo (title) 196 May galak kay Cristo, (first) 34 May Isa, si Jesus! (title) 34 May isa, si Jesus! (chorus) 68 May Kamay na Nakaunat (title) 68 May kamay na nakaunat (first) 129 May Kapakinabangan (title) 129 May kapakinabangan ang maglingkod (first) 158 May Lakas sa Kaamuan (title) 158 May lakas sa kaamuan, pagibig, tiwala, (first) 24 May matutuluyan kaya (first) 21 May puso bang umaasa, (first) 34 Mayro’n bang handang tumulong (first) 14 Mayro’ng Isang Kaharian (title) 14 Mayro’ng isang kahariang ’di lilipas, (first) 24 May Tuluyan ba si Jesus? (title) 139 Mga Pusong Kaylangan ng Mundo (title) 64 Nabihag ang aking puso (chorus) 69 Nabuhay S’ya at namatay (chorus) 20 Nagaanyaya si Jesus, (first) 29 Naghihintay sa ’yong mat’yaga, (chorus) 133 Nagkakaisa tayo, (chorus) 71 Nagkakatipon na Kami (title) 71 Nagkakatipon na kami, (first) 200 Nagpapasalamat (chorus) 161 Nagpupuyat, nananalangin, (chorus) 20 Nag¤aanyaya si Jesus (title) 115 Nais kong makilala Kang higit; (first) 3 Nais kong makilala pa (first) 131 Nais kong masundan (first) 68 Nakaunat sa iyo, (chorus) 101 Nananalangin sa diwa (first) 186 Nangako Akong Maging Tapat (title) 186 Nangako akong maging tapat, (first) 139 Nangangaylangan ang mundo, (first) 211 Narinig ko, tawag ng Dios; (first) 28 Naririnig ko ang tawag (chorus) 28 Naririnig Ko’ng Tawag N’ya (title) 77 Narito ang Dios (title) 77 Narito at nananahan (first) 88 Nasisiyahan na Ako (title) 88 Nasisiyahan na ako (first) 30 Nasumpungan ko si Jesus! (chorus) 9 Nasumpungan Namin si Cristo! (title) 9 Nasumpungan namin si Cristo! (chorus) 134 Natatago kay Cristo (title) 142 Nawa ang iyong buhay (chorus) 151 Nawa ang pagibig Mo, (first) 142 Nawa ay mabuhay ka (first) 173 Nawa sa aking paglakad (first) 4 Ngayon mahal na Cristo, (chorus) 155 Nguni’t nakikilala ko S’ya (chorus) 44 Nilakaran ni Jesus ang mat’wid na daan – (first) 182 No’ng Ako ay Nasa Dilim (title) 182 No’ng ako ay nasa dilim, (first) 169 O, Ako’y Patnubayan (title) 169 O, ako’y patnubayan (chorus) 80 O, ang pahinga ng Dios, (chorus) 193 O, awitin mo sa akin, (first) 127 O, Dios, lagi, tulungan Mo ako, (chorus) 104 O, Dios, linisin Mo kami (chorus) 181 O, Dios na Naglalaan Pa (title) 181 O, Dios na naglalaan pa (first) 119 O, Dios, Salamat sa Araw (title) 119 O, Dios, salamat sa araw (first) 180 O, Dios, Salamat sa Iyo (title) 180 O, Dios, salamat sa Iyo (first) 65 O, Hari Kong Jesus (title) 65 O, Hari kong Jesus, (first) 156 O, Jesus, ang sunod kong hakbang, (chorus) 169 O, Jesus, ang tinuntungan (first) 67 O, Jesus, tanging sa Iyo, (first) 165 O, kaytamis na kapahingahan, (first) 190 O, Magpatuloy Ka (title) 190 O, magpatuloy kang kasama ni Jesus; (first) 6 Oo, sa ’kin, dahil sa ’kin; (chorus) 45 “O, Panginoon, (chorus) 2 O, si Jesus at S’ya lamang, (chorus) 108 O, tayo ay naglalakbay (chorus) 147 O, tulungan Mo kami, Dios, (chorus) 179 Pagasa ko ay na kay Cristo. (first) 110 Pagibig ang s’yang umakay (chorus) 116 Pagibig ang watawat (first) 112 Pagibig ko, Cristo, dagdagan Mo; (first) 11 Pagibig ko, dagdagan Mo; (chorus) 151 Pagibig Mo, O, Dios, (chorus) 110 Pagibig ng Manliligtas, (first) 126 Paglilingkod ko’y sa ’Yo, sa ’Yo (chorus) 203 ’Pag Minamasdan Ko ang Krus (title) 203 ’Pag minamasdan ko ang krus (first) 218 ’Pag Sumapit Na Ang Kamatayan (title) 218 ’Pag sumapit na ang kamatayan, (first) 56 Paguusig, titiisin (chorus) 179 Pag¤asa Ko Ay Na Kay Cristo (title) 116 Pag¤ibig ang Watawat (title) 112 Pag¤ibig Ko, Dagdagan Mo (title) 151 Pag¤ibig Mo, O, Dios (title) 110 Pag¤ibig ng Manliligtas (title) 27 Pag¤ibig N’ya’ng Humanap sa ’Kin (title) 43 Pahinga, payapa; (chorus) 43 Pahinga, Payapa sa Kawan (title) 26 Pakinggan Mo Siya (title) 26 Pakinggan mo Siya, (chorus) 10 Pakinggan Ninyong Lahat (title) 10 Pakinggan ninyong lahat (first) 101 Palaging Nananalangin (title) 101 Palaging nananalangin (chorus) 63 Paminsanminsan, ikaw (first) 38 Panahon ay Nagdaraan (title) 38 Panahon ay nagdaraan, (first) 97 Pangino’n, Ako’y Ingatan (title) 97 Pangino’n, ako’y ingatan (chorus) 98 Pangino’n, kaylangan namin (first) 166 Pangino’n, kung maunos ang daan, (first) 143 Pangino’n, Nalalaman Mo (title) 143 Pangino’n, nalalaman Mo, (first) 134 Pangino’n, sa puso ko, (first) 162 Pangino’n, sila’y ingatan (chorus) 71 Panginoon, (chorus) 170 Panginoon, Akayin Mo Ako (title) 170 Panginoon, akayin Mo ako, (first) 97 Panginoon, ako ay akayin (first) 204 Panginoon, Ako’y Siyasatin (title) 204 Panginoon, ako’y siyasatin, (first) 111 Panginoon, dinggin Mo (first) 168 Panginoon, dinggin Mo ang daing ko; (first) 166 Panginoon, Kung Maunos ang Daan (title) 85 Panginoon, nasa Iyo, (chorus) 85 Panginoon, sa ’Yong Awa (title) 85 Panginoon, sa ’Yong awa, (first) 146 Panginoon, suma akin (chorus) 76 Panginoon, Suma Amin (title) 76 Panginoon, suma amin (first) 89 Panibago t’wing umaga (chorus) 144 Pasanin Mo ang Iyong Krus (title) 223 Precious Gold (title) 223 Precious gold must have its fiery trial, (first) 137 Privilegio Ko’ng Maglingkod (title) 137 Privilegio ko’ng maglingkod (chorus) 148 Puri Ma’y Wala (title) 148 Puri ma’y wala, si Jesus pa rin, (first) 138 Puso Ko’y May Pahinga (title) 69 Puso Ko’y Naangkin ng Dios (title) 69 Puso ko’y naangkin ng Dios (first) 60 Puso Mo’y Buksan (title) 92 Puso Nami’y Puspos ng Papuri (title) 139 Pusong may paninindigan (chorus) 146 Puso’y Ingatang Tapat (title) 75 Sa Aming Pulong (title) 75 Sa aming pulong, (first) 168 Sa Batong Dakila Kaysa Akin (title) 192 Sa bayan ng Bagong Jerusalem, (first) 19 Sa bigat ng manga pasanin, (first) 125 Sa buhay, minsa’y kalat ang dilim – (first) 80 Sa Dako na Matiwasay (title) 80 Sa dako na matiwasay, (first) 213 Sa Dios, ako, ay nagiisa; (chorus) 213 Sa Dios, Ako ay Nag¤iisa (title) 206 Sa Dugo ng Iyong Cordero (title) 50 Sa hapis at galak, tayo’y nagtatayo (first) 62 Sa Iyo at sa Akin (title) 25 Sa iyo na itong mundo; (first) 76 Sa Iyong uliran, Jesus, (chorus) 27 Sa kahabagan ng Dios, (first) 164 Sa Kanyang kapangyarihan, (chorus) 149 Sa ’King Tiwala sa ’Yo, Dios (title) 149 Sa ’king tiwala sa ’Yo, Dios, (first) 199 Sa Lahat ng Sala (title) 199 Sa lahat ng sala, (first) 162 Salamat sa manga kabataan (first) 162 Salamat sa Mga Kabataan (title) 15 Salita ng Dios, banal at tunay, (first) 152 Salita ng Panginoon (title) 152 Salita ng Panginoon – (first) 213 Sa manga unos ng pagsubok (first) 189 Samantalahin ang Oras (title) 135 Sa maraming pagtitiis (first) 22 Sa’n ako manganganlong (first) 188 Sandaling Oras na Magpuyat (title) 188 Sandaling oras na magpuyat tayo, (first) 189 Sandaling oras, pasanin (first) 195 Sa ngalan ni Jesus, (first) 7 Sa Paanan ni Jesus (title) 153 Sa pagibig ay inililingid N’ya (chorus) 173 Sa Paglakad Kong Kasama ng Dios (title) 91 Sa Pagpapala ni Jesus (title) 91 Sa pagpapala ni Jesus, (first) 51 Sa Pagtawag ng Pangino’n Natin (title) 51 Sa pagtawag ng Pangino’n natin, (first) 214 Sa Panahong Madilim (title) 214 Sa panahong madilim, (first) 72 Sa Pangalan ni Jesus (title) 123 Sa piling ni Cristo, (chorus) 136 Sasama ako kay Jesus (first) 62 “Sa tahanan, (chorus) 160 Sa ’ting pakikipagbaka (first) 146 Sa t’wina’y may bulong sa akin (first) 37 Si Cristo’y Siya Rin (title) 37 Si Cristo’y Siya rin (first) 25 Si Jesus ang Ibig Ko (title) 205 Si Jesus ang nagligtas, (chorus) 56 Si Jesus ay Tumatawag (title) 56 Si Jesus ay tumatawag, (first) 70 Si Jesus ay umaakay; (chorus) 18 Si Jesus ’Di Nagbabago (title) 2 Si Jesus Lang ang Balita (title) 2 Si Jesus lang ang balita (first) 176 Si Jesus na Manunubos (title) 176 Si Jesus na Manunubos, (first) 13 Sino’ng Hari ng Lahat? (title) 13 Sino’ng Hari ng lahat? (first) 14 Siyang naghahari, pagpapalain ka; (chorus) 17 Sumunod sa Akin (title) 17 “Sumunod sa Akin,” (first) 44 Susundan kita, Jesus (title) 44 Susundan kita, Jesus, tutupdin ang lahat (chorus) 145 Susundan kita, O, Cristo – (chorus) 91 S’ya ay palaging kasama, (chorus) 30 S’ya’ng Aking Kasiyahan (title) 154 S’yang sinampalatayanan (first) 7 Taglay ang bagbag na puso (first) 60 Talikdan mo ang ’yong sala – (first) 61 Tanggapin ang paanyaya (chorus) 86 Tanggapin Mo, (chorus) 22 Tanging si Jesus Lamang (title) 22 Tanging si Jesus lamang (chorus) 89 Tapat ang Dios (title) 89 Tapat makitungo ang Dios (first) 94 Tapat na Buhay ni Jesus (title) 94 Tapat na buhay ni Jesus, (first) 108 Tayo ay Tulad sa Bulaklak (title) 108 Tayo ay tulad sa bulaklak, (first) 99 Tigib Ako ng Papuri (title) 99 Tigib ang puso ko ng papuri (first) 84 Tinapay ng Buhay (title) 84 Tinapay ng buhay, Dios, ibigay (first) 61 Tinatawag Kang Umuwi (title) 61 Tinatawag kang umuwi sa tahanan; (first) 205 Tinubos Tayo ni Cristo (title) 205 Tinubos tayo ni Cristo (first) 70 Tiyak Na ang Aking Pas’ya (title) 70 Tiyak na ang aking pas’ya, (first) 125 Tulungan Mo ako, O, Dios, (chorus) 78 Tulungan Mo Kami, O, Dios (title) 78 Tulungan Mo kami, O, Dios, (first) 10 Tumatawag S’ya – (chorus) 135 Tungkol sa Akin, Pag¤iisip Mo (title) 98 Turuan kami (chorus) 98 Turuan Kaming Manalangin (title) 114 Turuan Mo ako (first) 114 Turuan Mo Akong Umibig (title) 120 Wala akong kaybigang tulad ni Jesus; (chorus) 58 Wala Bang Ilaw? (title) 58 “Wala bang ilaw,” hibik ng kalul’wa, (first) 31 Wala Bang Tumutulong? (title) 207 Wala Ngang Kapakinabangan (title) 207 Wala ngang kapakinabangan, (first) 19 Walang Hanggang Buhay (title) 19 Walang hanggang buhay, (chorus) 33 Walang ibang mahalaga (chorus) 165 Yaring pahinga’y ibigay sa ’kin; (chorus) 216 Yumao na Upang Magpahinga (title) 216 Yumao na upang s’ya’y magpahinga – (first) Philippines Tagalog Language Book Published in 1998 ebook version: 11.10.15 Titles, First Lines, and Chorus